Tila nagbunyi si dating Senador Antonio "Sonny" Trillanes IV sa umano'y pag-aresto kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes, Marso 11.
Kasunod ito ng pagkumpirma ng Malacañang nito ring Martes na natanggap na raw ng INTERPOL Manila ang opisyal na kopya ng warrant of arrest mula sa ICC laban kay Duterte.
MAKI-BALITA: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang
KAUGNAY NA BALITA: Dating Pangulong Duterte, dinala sa Villamor Airbase
Sa isang Facebook post, sinabi ni Trillanes na sa wakas daw ay nahuli na ang "berdugo."
"Nung 2017, nagfile ng kaso ang Magdalo sa ICC laban kay duterte. After 8 years, sa WAKAS, nahuli na rin ang berdugo," saad ng dating senador.
Dagdag pa niya, "Sa lahat ng nakasama namin sa mahabang lakbay na ito para sa hustisya ng mga libu-libong EJK victims, maraming salamat po!"
Samantala, "nasa kustodiya na siya ng mga kinauukulan" si Duterte, ayon sa Malacañang.