March 12, 2025

Home BALITA

Davao City council, nagsagawa ng prayer at candle-lighting ceremony para kay ex-Pres. Duterte

Davao City council, nagsagawa ng prayer at candle-lighting ceremony para kay ex-Pres. Duterte
photo courtesy: Atty. Melchor Quitain/FB, Veronica Duterte/IG)

Nagsagawa ng prayer at candle-lighting ceremony ang Davao City council nitong Martes, Marso 11, bilang pagpapakita ng suporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong arestuhin pagdating ng Pilipinas. 

Pinangunahan ni Vice Mayor Atty. Melchor Quitain, Jr. ang naturang programa sa Rizal Park, Davao City.

"Offer a prayer say something because we know prayers are very strong during these trying times. It is the only weapon," saad ni Quitain. 

Nitong Martes ng umaga nang makabalik dito si Pilipinas si Duterte matapos ang dinaluhang "Pasasalamat kay PRRD” event na ginanap sa Wan Cai, Hong Kong.

National

Birthday greetings ng CIDG kay PMGEN Torre, dinogshow ng netizens

BASAHIN: Pagdating ni dating Pangulong Duterte sa Pinas, napaaga

Sinalubong ni PNP-CIDG chief Nicolas Torre kasama si dating ES Salvador Medialdea ang dating pangulo sa paglapag nito Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, at saka dinala sa Villamor Air Base.

BASAHIN: Dating Pangulong Duterte, dinala sa Villamor Airbase

Matapos nito ay naglabas ng pahayag ang Malacañang na natanggap na ng INTERPOL Manila ang opisyal na kopya ng warrant of arrest laban kay Duterte mula sa International Criminal Court (ICC).

BASAHIN: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang

Ilang sandali lamang ay binasahan ni CIDG chief Nicolas Torre III ng Miranda Rights ang dating pangulo matapos siyang silbihan ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) para umano sa “krimen laban sa sangkatauhan.”