March 10, 2025

Home BALITA

Tatay rumesbak, namaril ng mga nakaaway ng anak

Tatay rumesbak, namaril ng mga nakaaway ng anak
Photo courtesy: Pexels

Nasakote ng pulisya ang isang ama sa Pasig City matapos umanong magpaputok ng baril laban sa mga lalaking nakaalitan daw ng kaniyang anak sa isang basketball game. 

Ayon sa ulat ng GMA News kamakailan, tinatayang tatlo ang naitalang sugatan bunsod ng pagpapaputok ng baril ng suspek.

Makikita rin umano sa isang CCTV kung paano nilapitan ng suspek ang isang lalaki upang komprontahin ngunit agad itong nakalayo. Maya-maya pa ay may isang lalaki pa ang tumulak at sumuntok sa suspek, na nasundan pa ng pamamato ng helmet. 

Kasunod nito, dito na bumunot ng baril ang suspek at saka ito pinaputok. Agad din siyang tumakas, sakay ng motorsiklo. 

National

PCO usec. sa sinabi ni VP Sara na iniwan na ng gov’t ang OVP: ‘Baka siya ang nang-iwan!’

Samantala, mabilis naman siyang nasukol ng pulisya. Depensa ng suspek, ginawa lang daw niya iyon upang ipagtanggol ang anak. 

Nakatakda din umano nilang kasuhan ang ilang lalaking nauna raw nanakit sa kaniyang anak.