March 10, 2025

Home BALITA National

OVP, iniwanan na ng pamahalaan – VP Sara

OVP, iniwanan na ng pamahalaan – VP Sara
VP Sara Duterte; Office of the Vice President/FB

“Ang buong gobyerno ay iniwanan na po ang OVP…”

Sa kaniyang pagpapasalamat sa suporta ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Hong Kong, sinabi ni Vice President Sara Duterte na iniwanan na umano ng gobyerno ang kaniyang opisinang Office of the Vice President (OVP).

Inihayag ito ng bise presidente sa ginanap na “Pasasalamat kay PRRD” event na ginanap sa Wan Cai, Hong Kong nitong Linggo, Marso 9.

“Salamat po sa inyong lahat, sa suporta ninyo sa aking mga kasamahan, sa aming trabaho, sa programa at proyekto ng Office of the Vice President. Maraming salamat po sa inyong lahat, dahil kayo lang po ang sumusuporta sa OVP,” ani Duterte.

National

PCO usec. sa sinabi ni VP Sara na iniwan na ng gov’t ang OVP: ‘Baka siya ang nang-iwan!’

“Ang buong gobyerno po ay iniwanan na po ang OVP. Maraming salamat.

“Yung satellite offices po namin ay nagsisikap na mahanap yung mga geographically isolated and disadvantaged areas at hindi lang nakatuon sa National Capital Region,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ng bise presidente na ang kaniyang mga tagasuporta raw ang dahilan kung bakit hindi siya nagbibitiw sa kaniyang puwesto.

“Kaya po hindi ko maiwanan ang aking posisyon, dahil sa inyong lahat,” ani Duterte.

Matatandaang noong Enero nang Inanunsyo ng Office of the Vice President (OVP) na walang pondo ang kanilang medical and burial assistance program sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA).

MAKI-BALITA: OVP, walang pondo sa kanilang medical and burial assistance program

Samantala, noong Disyembre 30, 2024 nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang ₱6.352-trillion national budget para sa 2025, kung saan pinanatili ang budget ng OVP sa ₱733-million, mahigit isang bilyong mas mababa kumpara sa orihinal na panukalang budget na ₱2.037 bilyon.

MAKI-BALITA: PBBM, nilagdaan na ₱6.352-trillion national budget sa 2025

Kasalukuyang nahaharap si Duterte sa impeachment cases, kung saan noong Pebrero 5 nang ipasa ng House of Representatives sa Senado ang ikaapat ng impeachment complaint laban sa kaniyang matapos lumagda rito ang 215 kongresista.