March 10, 2025

Home BALITA

Arkipelago Analytics inilabas ang 12 pinakamahalagang isyu para sa mga Millennial sa Pilipinas

Arkipelago Analytics inilabas ang 12 pinakamahalagang isyu para sa mga Millennial sa Pilipinas

Maynila, Pilipinas – Marso 2025 – Inilabas ng Arkipelago Analytics, isang kompanya sa larangan ng data science at analytics, ang mga bagong natuklasan mula sa kanilang survey tungkol sa pinakamahahalagang isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon, batay sa pananaw ng mga millennial. 

Ipinapakita ng pag-aaral na 85 porsyento ng mga millennial ang tumutukoy sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin bilang pinakaimportanteng isyu sa bansa; umaabot pa ito sa 91 porsyento sa National Capital Region. Ipinapakita nito ang lumalaking pagkabahala sa pagtaas ng presyo ng mga bilimin at patuloy na pagtaas ng halaga ng pamumuhay, na siya ngayong pangunahing prayoridad para sa mga gumagawa ng polisiyang pang-ekonomiya.

Sumunod naman ang seguridad sa pagkain, na binanggit ng 80 porsyento ng mga sumagot bilang kritikal na isyu. Kalungkutan ang pumangatlo, na binanggit ng 72 porsyento, at nagbibigay-diin sa lumalaking pangangailangan para sa mga inisyatibang tutugon sa mental health at pangkalahatang kapakanan. Kabilang din sa nangungunang mga alalahanin ang kahirapan, kawalan ng trabaho, at trapiko, na bawat isa ay binanggit ng 70 porsyento ng mga millennial. Parehong 67 porsyento naman ang nakapagtala sa edukasyon at pangkalahatang kalagayang pang-ekonomiya, na muling nagpapakita ng pangangailangan para sa pangmatagalang repormang pang-ekonomiya at panlipunan. Kasunod nito ang krimen, na tinukoy ng 62 porsyento ng mga kalahok bilang isang usaping dapat tugunan para sa kaligtasan at seguridad. Ang kalusugan at social security ay pumalo sa 55 porsyento, habang ang mga alalahanin hinggil sa kapaligiran at pagbabago ng klima ay binanggit ng 52 at 50 porsyento, ayon sa pagkakasunod.

Bukod sa mga alalahaning pang-ekonomiya, natuklasan din sa survey ang lumalawak na pokus sa kaligtasan ng publiko. Animnapu’t dalawang porsyento (62%) ng mga millennial ang naniniwalang dapat bigyang-priyoridad ng gobyerno ang pagpigil sa krimen at pagpapanatili ng seguridad—mas mataas ng 10 porsyento kumpara sa ibang pangkat ng edad. Patunay ito ng lumalaking kahilingan para sa mas mahigpit na hakbang upang tiyakin ang kaligtasan ng mamamayan.

National

PCO usec. sa sinabi ni VP Sara na iniwan na ng gov’t ang OVP: ‘Baka siya ang nang-iwan!’

“Malinaw sa aming datos na nangingibabaw ang mga suliraning pang-ekonomiya sa prayoridad ng mga millennial na Pilipino, subalit may malakas din na panawagan para sa suporta sa mental health, pagpigil sa krimen, at pagpapabuti ng social infrastructure,” ani Anna Mae Yu Lamentillo, Chief Impact Officer ng Arkipelago Analytics. “Mahalagang maunawaan ang mga prayoridad na ito upang makabuo ng mga patakarang tunay na tutugon sa pangangailangan ng henerasyong ito.”

Isinagawa ang survey sa buong bansa na may 402 na kalahok, at may margin of error na 5 porsyento.