Bentang-benta ngayon ang match-making online game show ng singer-online show host na si Marion Aunor na "Pusuan or Laruan" na una niyang inilunsad noong Setyembre 7, 2024.
Sa nabanggit na game show, na mapapanood sa YouTube channel ng singer, may mga iimbitahang single participants, na puwedeng straight na lalaki, babae, o miyembro ng LGBTQIA+ community depende sa kategorya, na may hawak na pulang lobo o balloon bawat isa. Kapag napusuan nila ang imbitadong guest/s, tipo nila, o interesado sila sa sinasabi niya, huwag daw i-pop o paputukin ang lobo. Pero kapag feeling daw na hindi sila match, puwede nang paputukin ang lobo.
Bukod sa isang episode kung saan nag-viral ang isang female participant na "Englishera" gayundin si "Golden Retriever," usap-usapan din ang isa pang female participant na iba raw ang pagkakaintindi sa "family-oriented."
Ang eligible bachelor na nagsilbing guest naman ay si VMX actor at event host na si Nico Locco, na mapapanood sa episode 12 na umere noong Marso 5.
Nag-pop ng lobo ang female participant na si "Moon" nang sabihin ni Nico na ilan sa mga katangian ng hinahanap niya sa isang babae ay "family-oriented."
Nang usisain naman nina Marion at Nico kung bakit siya nag-pop ng balloon, paliwanag niya, "I'm 21 and when you mentioned you're family-oriented, I realized like I'm not ready..."
Sundot ni Marion, "What do you mean by that?"
Tugon pa ni Moon, "Like I’m not ready to be..."
Pero sundot naman ni Nico, "Oh, so I think, you misinterpreted the meaning of family-oriented. When I say family-oriented, love ko 'yong family ko. Love ko 'yong mom ko, love ko 'yong dad ko. Sobrang close ko sa family ko, that's what I mean, it's not gusto ko ang pamilya."
"Just close to your family but not like to start a family," segunda naman ni Marion.
Nang tanungin ni Marion kung gusto ba niyang ibalik ulit ang naiputok na lobo, sagot ng babaeng participant, "I'm alright. Actually from earlier, when you mentioned that you need a right woman for you to be, you know, better like I also think that you should also be better for yourself like you don't need anyone..."
"Tama, tama, I agree with that," tugon naman ni Nico. Paliwanag naman ng aktor, ang sinasabi niya, tama naman na maging better person sa sarili subalit kapag may tamang partner, magiging best naman ito.
MAKI-BALITA: Female participant sa 'Pusuan or Laruan,' inokray dahil sa 'family-oriented'
Samantala, umani naman ng reaksiyon at komento ang ibang interpretasyon daw ni Moon patungkol sa "family-oriented."
"Idk if it's really her account pero wag naman tayo gumawa ng reason para masira ang mental health ng ibang tao dahil sa simpleng pagkakamali."
"She should just laugh it off and let it die down. Everyone will forget about her when another actor is caught cheating. She's not even the flavor of the week, englishera and the dog boy are more bash worthy."
"Baka lang iba ang pagkakaalam niya sa ibig sabihin ng family-oriented hahaha."
"Ano na ba nangyayari hahaha, noong nakaraan, hindi alam meaning ng Comelec, tapos hindi pa nga tapos kay Englishera Girl, ito naman hahaha."
"Sino ba kasi nagpauso ng Pusuan or Laruan na 'to? Hahaha."
"I believe the same. For me yun hindi nya pagkaintindi ng meaning ng family oriented is no big deal. Hindi naman sya nakitaan ng kayabangan or any masamang ugali. Di ko nga gets why people are bashing on this girl. Yun nakakainis talaga si Englishera and si Golden retriever boy."
"i feel bad for ppl on that show getting picked on by social media for simple mistakes gets ko pa yung hate sa pagiging uninformed sa COMELEC sa girl dun sa showtime, pero family oriented really?? bawal magkamali ba huhu ayaw niyo dun sa englishera pero pag di magaling sa english babash din?"
"Imo, she should've just kept quiet and let that 'viral moment' die down. Altho mapapa-wtf ka sa sinabi nya, at least hindi naman kasing lala nung kay golden ret boy and englishera"
"Maybe in this generation, they use a different term instead of "family-oriented," but given that she’s an achiever, she should have known the actual meaning of the term."
Kaugnay nito, kumakalat ang screenshot ng umano'y paliwanag ng female participant tungkol sa isyu.
MAKI-BALITA: Depensa umano ng babaeng naokray dahil sa 'family-oriented,' usap-usapan
Ngunit, ano ba ang ibig sabihin ng "family-oriented?"
Kapag sinabing "family-oriented," ito ay isang katangian ng isang tao o isang pag-uugali na nagpapakita ng malasakit at pagbibigay-priority sa pamilya.
Ito ay maaaring tumukoy sa isang indibidwal na naglalaan ng oras, pansin, at suporta sa kanilang pamilya, nagtataguyod ng mga halaga ng pamilya tulad ng pagkakaisa, pagmamahal, at pag-aalaga sa bawat isa.
Ang pagiging family-oriented ng isang ka-date o karelasyon ay may mga positibo at negatibong epekto depende sa sitwasyon at sa personalidad ng parehong tao sa relasyon. Narito ang ilan:
Pros:
1. Mahalaga sa kanila ang pamilya – Malamang na may matibay silang pagpapahalaga sa relasyon, respeto, at pagmamahal. Kung seryoso ka sa pangmatagalang relasyon, malaking plus ito.
2. Maaari silang maging mabuting asawa/magulang – Dahil inuuna nila ang pamilya, may potensyal silang maging maalaga at responsable sa sariling pamilya sa hinaharap.
3. May matibay na moral values – Karaniwan, ang mga family-oriented na tao ay may matibay na pagpapahalaga sa honesty, loyalty, at commitment.
4. Maaaring maganda ang pakikitungo sa iyong pamilya – Dahil sanay silang makisama sa pamilya nila, malamang na magiging maganda rin ang relasyon nila sa iyong pamilya.
Cons:
1. Maaari silang masyadong dependent sa pamilya – Kung masyadong malapit ang kanilang relasyon sa pamilya, maaaring palaging may say ang pamilya nila sa inyong relasyon, na maaaring magdulot ng conflict.
2. Puwedeng mahirap mag-set ng boundaries – Kung masyado silang sumusunod sa pamilya, maaaring mahirapan silang gumawa ng sariling desisyon, lalo na kung laging nakikialam ang magulang o kamag-anak.
3. Maaari kang maging second priority – Sa ilang pagkakataon, maaaring unahin nila ang pamilya higit sa relasyon ninyo, na maaaring magdulot ng hindi pagkakaintindihan.
4. May posibilidad ng pressure mula sa pamilya nila – Kung may mahigpit na pamilya, maaaring magkaroon ng expectations o standards na kailangang sundin, na posibleng maging stressful para sa iyo.
Kaya naman, sa lahat ng single gents at ladies, nasa sa inyong pagpapasya kung plus points sa isang ka-date o karelasyon ang pagiging "family-oriented."