March 09, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Rita Avila, sinagot netizen na sinabihan siyang 'matanda na halata na'

Rita Avila, sinagot netizen na sinabihan siyang 'matanda na halata na'
Photo courtesy: Rita Avila (FB)

Hindi pinalagpas ng aktres na si Rita Avila ang isang netizen na nagsabing halata na raw na "matanda" na siya.

Ibinahagi mismo ni Rita sa kaniyang Facebook post ang screenshot ng komento sa kaniya ng netizen sa isa sa mga larawan niya.

"Matanda n .halata n," mababasa rito.

Mababasa naman sa komento ni Rita, "oo naman. i am 60."

Tsika at Intriga

Barbie, ibinida pics nila ni FL Liza: 'Thank you Madam for inviting me!'

Sa caption ng kaniyang post, may mensahe si Rita sa nabanggit na netizen.

"Mariz Almazan U OK? Siguro 30 ka lang na mukang 16. Basta ako 60, d naman na talaga bata ang edad na yun. May senior ID na ako, ang saya. Sana ikaw tumanda na masaya, malusog at kontento."

Isang hiwalay na Facebook post, sa pamamagitan ng video ay nagpasalamat si Rita sa kaniyang followers at ipinaliwanag naman ang ginawa niyang pagsagot sa netizen.

"Namumutaktak ang comments doon sa nagsabing matanda na nga ako. Well, totoo naman siya, pero alam ko 'yong nararamdaman ninyo. Parang mali 'yong tono, lalo na binabasa lang natin 'yong mga komento."

"Well, minsan dapat sinasagot para natututo rin sila, at saka ako naman eh, ayaw ko silang pahiyain. Ang gusto ko lang, matuto na maging better sa pananalita, o pag-reach out sa mga tao..." aniya pa.

Kaya raw siya nagpo-post din ng mga ganoon ay para makita ng mga tao kung paano siya sumagot.