March 22, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Ang mensahe ni Kach Umandap sa kababaihang nais libutin ang buong mundo ngayong Women's Month

Ang mensahe ni Kach Umandap sa kababaihang nais libutin ang buong mundo ngayong Women's Month
Photo courtesy: Kach Medina Umanpad/Facebook

Bilang unang Pinay at Pilipinong nakalibot sa buong mundo gamit ang Philippine Passport, naniniwala si Kach Umandap na dito pa lamang magsisimula ang kaniyang bagong misyon.

Muling nakapanayam ng Balita si Kach kung saan ibinahagi niya kung paano napagtibay ng kaniyang paglalakbay sa buong mundo ang pagiging isang babae. 

KAUGNAY NA BALITA: Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Ani Kach, bilang babae, hinubog daw ng paglalakbay niya ang pagkakaroon ng matibay na desisyon para sa sarili.“Traveling empowered me as a solo traveler, as I gained more confidence. How can you gain confidence as a woman? It’s like making a lot more decisions. Like if you make a lot, lot, lot of decisions. Until you realize, the more na nagde-decide ka kahit na may mali, you always learn something new. Or parang minsan bilib ka na lang sa sarili mo na you made the right decision,” saad ni Kach. Sa kabila ng pagiging malaya ng isang babae na makapagdesisyon para sa sarili, binanggit din ni Kach ang karaniwan daw na “misconception” sa kababaihan sa tuwing nagta-travel nang mag-isa. 

Human-Interest

Anong ibig sabihin kapag 'family-oriented' ang ka-date o karelasyon?

“It’s dangerous to travel as a woman, ayun yung common misconception ng tao,” ani Kach.

“I felt danger, I had a lot of fears along the way. But, you really need to know the power of being a woman. Like you respect yourself, you respect the things around you. Like hindi ka pupunta nang late sa mga inuman, syempre di ka rin mababastos, like you know what I mean?” giit ni Kach. 

Bagama’t may mga bagay raw na hindi talaga maaaring paghandaan, saad ni Kach, “Kaya kailangan, you know how to protect yourself.” 

Ikunuwento rin ni Kach ang ilan sa mga kalimitan niyang ginagawa sa bago at pagkarating niya sa ibang bansa. 

“You know when I arrive in a new country, I would ask the locals, ‘what is the best thing to do?’ when I arrive, not even online. Because what I research before I travel or I go to a new country, not negative ah? I just want to be aware. ‘What are the scams that I need to avoid? What are the scams that I have to know? What are the situations?’ Para kapag kapag may nang ti-trip na sa akin, ‘ay alam ko na ‘yan, nabasa ko na ‘yan. So alam ko na kung paano yung gagawin ko,” ani Kach. 

Para sa kababaihang nagnanais ikutin ang buong mundo


Sa pagdiriwang ng International Women’s Month, may payo si Kach sa kababaihang nagnanais ding sundan ang kaniyang mga yapak.“Now is the right time for us women to learn digital skills,” saad ni Kach. Giit pa niya, “You can be a mom, you can be a wife, you can be a career woman, and you can still spoil everyone and earn dollars within your own home, while raising your family and doing everything by just doing remote.”

Matapos niyang libutin ang buong mundo, isa sa mga dala-dala ni Kach pabalik ng bansa ay ang imulat, hindi lamang ang kababaihan, ngunit maging ang kabataan patungkol sa pagiging virtual assistant habang pinagsasabay ang trabaho at pagiging certified traveler. “That’s the mission now that I wanna do. If I start speaking in schools, tell them ‘does everyone know that there’s an alternative career?’ that they could do. And me, accomplishing this mission, and now having the voice to teach and educate, eh ‘di tingnan natin maybe 5 or 10 years from now, it’s a different game for Filipino travelers,” saad ni Kach. 

Ang mga kuwentong inuwi ni Kach sa Pilipinas ay patunay na ang buhay ng isang babae ay hindi maaaring limitahan at diktahan na batay sa kung ano lamang ang kinagisnan ng iisang lipunan.