Hustisya ang sigaw ng CARA Welfare Philippines, isang animal protection organization, matapos ang umano’y brutal na pagkamatay ng isang pusa dulot ng sinasabing pagsipa ng isang Chinese National.
Ayon sa Facebook post ng CARA, nakuhanan umano sa CCTV ng nasabing lugar ang paninipang ginawa ng suspek na nagresulta sa pagkamatay ng pusa.
“This man was caught on CCTV kicking a frail and defenseless community cat at Ayala Triangle Gardens, resulting in the cat’s death. The cat was simply resting, unaware of the cruelty about to happen,” anang CARA.
Dagdag pa ng CARA, nagawa pa umano nilang komprontahin ang suspek kung saan iginiit daw nitong makipag-ugnayan na lang sila sa Chinese Embassy.
“When confronted and brought to the barangay, the man was arrogant and refused to provide his address. He told us to write to the Chinese Embassy. Because of this, he remains free to roam the streets, to roam the gardens,” saad ng CARA.
Nakahanda rin umano ang pabuya para sa makakapagsabi ng pagkakakilanlan at iba pang impormasyon sa suspek.
Samantala, kinondena naman ni Senator Grace Poe ang nangyari sa nasabing pusa at iginiit na kailangan umanong managot sa batas ang suspek.
“No animal should be subject to cruel and unwarranted abuse. We ask the concerned authorities to hold the cat killer accountable for violation of the Animal Welfare Law,” anang senadora.