March 06, 2025

Home BALITA

Pic ni Jimmy Bondoc kasama si Rowena Guanzon, umani ng reaksiyon

Pic ni Jimmy Bondoc kasama si Rowena Guanzon, umani ng reaksiyon
Photo courtesy: Atty. Jimmy Bondoc for Senator Movement (FB)

Usap-usapan ng mga netizen ang larawan ng singer, abogado, at senatorial aspirant na si Atty. Jimmy Bondoc at tumatakbong first nominee ng P3PWD party-list at dating commissioner ng Commission on Elections (Comelec) na si Atty. Rowena Guanzon, sa umano'y hindi sinasadyang pagkikita ng dalawa sa isang restaurant.

Ibinahagi ni Jimmy sa kaniyang Facebook page na "Atty. Jimmy Bondoc for Senator Movement" ang larawan nila ni Guanzon, habang ang huli naman ay may hawak na inumin.

Makikita sa caption ni Jimmy ang pag-endorso niya sa sarili maging kay Rowena.

"Magkaiba man ang kulay, iisa ang paniniwala: 'Huling Marcos na yan sa Malacan̈ang!'" aniya.

National

PBBM, sinagot ang tanong kung sino dapat managot sa gumuhong tulay sa Isabela

Ilang mga netizen naman ang tila sumita kay Rowena dahil daw sa nabanggit na larawan. May ilan kasing nag-aakusang hindi raw siya tunay na "Kakampink."

May nag-aakusa pang tagasuporta raw siya ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader at senatorial aspirant Pastor Apollo Quiboloy.

Bagay na pinalagan naman ni Rowena sa kaniyang X post, Huwebes ng umaga, Marso 6.

"Grabe kayo, Quiboloy fanatic na agad ako because I posted pic with Jimmy Bondoc na na meet y ko sa restaurant and introduced himself ? Mga judgmental Mental kayi ! Hahahaha sige e delete ko na nga," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Rowena Guanzon (X)

Sa kaniyang Facebook post naman, may mensahe siya sa mga nagbabanta ng "cancel culture" sa kaniya.

"Tigilan niyo ako sa mga cancel culture niyo di pa kayo nadala nung 2022 saan tayo pinulot, nalimutan niyo ata na ni-dq ko si BBM at katakot takot na banta at kaso ang kinaharap ko at isa ako sa tumutol sa confidential funds ni Sara Duterte at lahat ng ahensya."

"Sa tanda kong ito, huwag niyo akong ginaganyan. Hindi na pala pwede maging disente sa panahon ngayon? maging abogado ng naghahanap ng serbisyo ko? Dahil ayaw naman natin kumuha ng donation sa druglord at magnanakaw, nung tinapik ni Bam aquino si BBM at umattend si Kiko sa Malacanang, same energy ba ang atake?"

"Alam ko sino nasa likod nito, iexpose ko sila sa susunod na panahon lalo na yung mga nakikinabang sa administrasyong ito pero oposisyon daw sila."

"Tigil niyo pagdikit sa name ko kay Quiboloy, allergic ako," aniya pa.

Sa isa pang X post, muling iginiit ni Guanzon na huwag siyang "idikiit" kay Quiboloy.

"Tigilan nyo ang kakadikit ng name ko kay Quiboloy. Alam ko kung ano ang grupo nyo. Hahahaha mga tungaw," saad niya.

Photo courtesy: Screenshot from Rowena Guanzon (X)