Pinalagan ng first nominee ng P3PWD party-list at dating commissioner ng Commission on Elections (Comelec) na si Atty. Rowena Guanzon ang "cancel culture" sa kaniya.
Matatandaang naging usap-usapan ng mga netizen ang larawan ng singer, abogado, at senatorial aspirant na si Atty. Jimmy Bondoc at ni Guanzon, sa umano'y hindi sinasadyang pagkikita ng dalawa sa isang restaurant.
KAUGNAY NA BALITA: Pic ni Jimmy Bondoc kasama si Rowena Guanzon, umani ng reaksiyon
Ilang mga netizen naman ang tila sumita kay Rowena dahil daw sa nabanggit na larawan. May ilan kasing nag-aakusang hindi raw siya tunay na "Kakampink."
May nag-aakusa pang tagasuporta raw siya ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader at senatorial aspirant Pastor Apollo Quiboloy.
Bagay na pinalagan naman ni Rowena sa kaniyang X post, Huwebes ng umaga, Marso 6.
"Grabe kayo, Quiboloy fanatic na agad ako because I posted pic with Jimmy Bondoc na na meet y ko sa restaurant and introduced himself ? Mga judgmental Mental kayi ! Hahahaha sige e delete ko na nga," aniya.
Sa kaniyang Facebook post naman, may mensahe siya sa mga nagbabanta ng "cancel culture" sa kaniya.
"Tigilan niyo ako sa mga cancel culture niyo di pa kayo nadala nung 2022 saan tayo pinulot, nalimutan niyo ata na ni-dq ko si BBM at katakot takot na banta at kaso ang kinaharap ko at isa ako sa tumutol sa confidential funds ni Sara Duterte at lahat ng ahensya."
"Sa tanda kong ito, huwag niyo akong ginaganyan. Hindi na pala pwede maging disente sa panahon ngayon? maging abogado ng naghahanap ng serbisyo ko? Dahil ayaw naman natin kumuha ng donation sa druglord at magnanakaw, nung tinapik ni Bam aquino si BBM at umattend si Kiko sa Malacanang, same energy ba ang atake?"
"Alam ko sino nasa likod nito, iexpose ko sila sa susunod na panahon lalo na yung mga nakikinabang sa administrasyong ito pero oposisyon daw sila."
"Tigil niyo pagdikit sa name ko kay Quiboloy, allergic ako," aniya pa.
Kalakip ng Facebook post ang ilang screenshots ng posts niya, at mga larawan nila nina Sen. Imee Marcos at House Speaker Martin Romualdez, sa hindi inaasahang pagkikita noon.
MAKI-BALITA: Sandro Marcos, Martin Romualdez, at Rowena Guanzon, nagkadaupang-palad
MAKI-BALITA: Sandro Marcos, namataang nakipagdaupang-palad sa kritiko ng ama na si Rowena Guanzon
Kasama rin sa kalakip na screenshot ang post sa pinag-usapang larawan nila ni Bondoc.
Mababasa rin ang post noon ni Guanzon na kahit daw matagal na niyang kakilala ang mga Marcos, si dating vice president at presidential candidate Leni Robredo pa rin ang pinili niyang suportahan, dahil naniniwala siyang ang batas at katotohanan ang dapat palaging manaig.
Matatandaang si Guanzon ang isa sa mga masugid na nagsulong ng disqualification ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. noong kumakandidato pa lamang siya sa pagkapangulo.
MAKI-BALITA: Kahit wala pang ruling: Boto ni Guanzon sa DQ cases vs Marcos, isasapubliko na!