March 06, 2025

Home BALITA National

Amihan, nakaaapekto sa Extreme Northern Luzon; easterlies naman sa mga natitirang bahagi ng PH

Amihan, nakaaapekto sa Extreme Northern Luzon; easterlies naman sa mga natitirang bahagi ng PH
Courtesy: PAGASA/website

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Huwebes, Marso 6, na ang northeast monsoon o amihan ang kasalukuyang nakaaapekto sa Extreme Northern Luzon habang ang easterlies naman sa mga natitirang bahagi ng bansa.

Base sa tala ng PAGASA, inaasahang magdudulot ang easterlies, o ang mainit na hanging nangmumula sa karagatang Pasipiko, ng maulap na kalangitan na may kasamang mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.

Pinag-iingat ang mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Inaasahan namang magdadala ang amihan ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated light rains sa lalawigan ng Batanes. Wala namang inaasahang malaking epekto ang magiging mga pag-ulan dito.

National

Puno't dulo ng gumuhong tulay sa Isabela, 'design flaw' sey ni PBBM

Samantala, inaasahang makararanas ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa bunsod pa rin ng easterlies. 

Posible ang pagbaha o pagguho ng lupa sa naturang mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms, ayon sa weather bureau.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na anumang low pressure area (LPA) o iba pang bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).