March 06, 2025

Home BALITA

Lalaking may kasong murder, nagpanggap na patay sa loob ng 31 taon

Lalaking may kasong murder, nagpanggap na patay sa loob ng 31 taon
Photo courtesy: Freepik

Arestado ang 69 taong gulang na lolo na siyang top 2 “most wanted” sa Valenzuela City, na may kasong murder at nagtago sa loob ng 31 taon.

Ayon sa ulat ng Unang Balita ng GMA Network nitong Miyerkules, Marso 5, 2025, nagpanggap umanong patay ang suspek sa tulong na rin ng kaniyang pamilya. 

Lumalabas sa imbestigasyon na nangyari pa umano ang krimen noong 1994 kung saan isang kamag-anak din ng suspek ang pinatay niya. 

“Isang krimen na halong mga parang magkakamag-anak sila. Talagang yung krimen ay pagkakaroon talaga ng hindi pagkakaunawaan doon sa magkakamag-anak,” ani Police Colonel Nixon Cayaban sa media. 

National

WALANG PASOK: Class suspension para sa Biyernes, Marso 7

Dagdag pa ng mga awtoridad, nakumpirma raw nila na buhay pa ang suspek na si alyas “Badok” sa pamamagitan na rin ng social media, kung saang napag-alaman siyang nagtatago sa Quezon City. Samantala, nauna na raw masakote ng pulisya ang iba pang kasamahan ng suspek noong Enero 2024. 

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek matapos umano ang paglalabas ng korte ng commitment order.