March 05, 2025

Home FEATURES Trending

Misis gumawa ng fake account para i-chat si Mister: 'G*go, biyudo na raw siya'

Misis gumawa ng fake account para i-chat si Mister: 'G*go, biyudo na raw siya'
Photo courtesy: Freepik

Kinaaliwan ng mga netizen ang isang Facebook post mula sa page na "LT" dahil sa isang misis na gumawa ng fake account sa social media para subukin kung "loyal" o "faithful" ba sa kaniya ang mister niya.

Pero mukhang nabuking tuloy ni Misis ang tinatagong "kaharutan" ni MIster.

"Gumawa Ako ng FAKE ACCOUNT, tapos nag chat ako sa MISTER ko," mababasa sa post.

"Ang g4go BIYUDO nadaw sya. ," dagdag pa.

Trending

Bakit patok pa-yummy, 'white sando' photo ng boylets ngayon sa socmed?

Ang biyudo ay tawag sa isang lalaking nabalo o namatayan ng asawa. 

Mukhang marami naman sa mga netizen ang todo-related dito dahil nag-viral ang post! Umabot kasi sa 97k ang laugh reactions, 4.2k shares, at 2.4k comments ang nabanggit na post habang isinusulat ang artikulong ito.

Narito naman ang ilan sa mga komento ng netizens.

"Naku ung x husband ko hanap ako ng hanap halos 3 Oras ako naghanap maya maya lumabas ng pinto ng kapitbahay namin ang Sabi ba nmn nanghihiram lang daw ng komiks , eh khit 10 beses nyang ulit ulitin basahin ung komiks Hindi tatagal ng 3 Oras at take note pa ang kapitbahay namin nag Isang dalaga lng nakatira dun."

"Naalala ko yung ex bf ko noon ganyan din ang ginawa ko... Dati kami kakong magkachat sa ym pa... Nabola ko, sabi ko kauuwi ko lang galing ibang bansa, sobrang excited sya at magkita daw kami sa hotel, naghintay daw sya sa usapan naming lugar"

"Hay naku!, my babae na Hindi honest, mas malihim Ang ibang babae, Hindi nman lahat ng lalaki ay ganyan.."

"Nasaktan ka tuloy sa pagpapanggap hahaha."

"ganyan din pakilala ng asawA ko s kamag anak ng kabit nya nun byodo n dw xa kaya c kabit naniwala nman xa ngaun maspinili nya ung kabit nya kysa s amin n pamilya nya..gago xa dbali pagnamatay c lalaki s akin din mapupunta lht ng benifits nya..kawawa c kabit kht singko ala xa makukuha xa pagpalibing..ay naku mga kabit nga nman ang lalandi nyo..mga salot kAyo s lipunan"

"Opo karamihan sa mga lalaki ganyan nagpapanggap na binata c babae nman namakate hitad khit malaman ng my asawa hnd nrin bumitaw"

Ikaw, anong masasabi mo sa hanash na ito ng anonymous netizen?

                                                        --- 

Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula umano sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.