Nabagbag ang damdamin ng mga netizen sa TikTok video ng isang mag-aaral ng Marine Transportation matapos niyang ibida ang ginawa nilang pag-aambagan para tulungan ang isang lalaking taho vendor na nadisgrasya ang paninda, na naganap sa Pasay City.
Mababasa sa TikTok video ni Dan Dais II, "natisod si tatay tas natapon taho nya tas yung mga mababait na studyante nag ambagan para mabawi ni tatay."
Ang mga nabanggit na mag-aaral ay mula sa Asian Institute of Maritime Studies sa Pasay City.
Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Dan, nakita na lamang daw nilang nagkalat ang mga panindang taho ng vendor matapos daw matisod at madulas.
Nagdesisyon na lamang daw silang mag-ambagan upang makatulong naman sa vendor.
Mensahe ni Dan sa lahat ng mga na-inspire sa ibinahagi niyang TikTok video, "Siguro ang masasabi ko lang is sana maging inspiration sa lahat yung video and matulungan din yung mga katulad ni Tatay na lumalaban ng patas sa buhay. Yun lang po."
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
"Nakaka-inspire makapanood ng mga ganito, sa dami ng mga napapanood at nababalitaan nating negativity, patunay lamang ito na may mabubuti pa ring kalooban!"
"For those who are asking kung required ba na i-video ang mga ganyan, for me YES! In this world full of negativities, we need to be inspired and reminded, and by simply watching this kind of video, it reminds us that humanity still exists, and you don’t need the position to help others. Simple act of kindness will create a big impact. It should be posted because it’s genuine and true. People will come to realize that humanity and kindness are slowly vanishing; that’s alarming tbh. Ganitong videos talaga ang nagpapa-touch sa sok huhu kudos sa mga good samaritans."
"As a daughter of a taho vendor this is really heart warming you guys, thank you so much for helping tatay hoping for your growth and successful future."
"Mas matino pa mga to kaysa sa gobyerno natin!"
"Need talaga i-video mga ganito, why? To show the world that Humanity is still alive!!!!"
Humamig na ng 3.5M views ang nabanggit na viral video habang isinusulat ang artikulong ito.