March 04, 2025

Home FEATURES

Kasal sa Davao del Sur, naantala dahil sa 5.0-magnitude na lindol

Kasal sa Davao del Sur, naantala dahil sa 5.0-magnitude na lindol
(Photo courtesy: Anthony Allada/FB screengrab)

Nasa kalagitnaan ng seremonya ng kasal ang isang magkasintahan nang biglang yumanig ang magnitude 5.0 na lindol sa Davao del Sur nitong Martes ng umaga, Marso 4.

Base sa video na nakunan ng Facebook user na si Anthony Allada, makikita ang pagsasalita ng mayor upang ikasal ang magkasintahan sa Magsaysay, Davao del Sur nang bigla itong napahinto dahil sa malakas na pagyanig.

Napahinto rin ang magkasintahan habang napatayo pa ang ilan sa mga dumalo sa kasal at ang ilan ay napasigaw pa.

Mayroon namang ilang indibidwal sa seremonya ang nagpapaalala sa lahat na mag-relax lamang at huwag mag-panic.

Human-Interest

Mga estudyante, nag-ambagan para sa natapong paninda ng taho vendor

Ipinakita rin ng uploader sa video ang ilang display sa city hall na nalaglag sa sahig.

Wala namang nasaktan sa nangyari, at muli ring itinuloy ang kasal nang humupa na ang pagyanig.

Matatandaang dakong 9:42 ng umaga nang yanigin ang Davao del Sur ng 5.0-magnitude na lindol–na unang itinaas sa magnitude 5.4.

MAKI-BALITA: 5.4-magnitude na lindol, yumanig sa Davao del Sur; Aftershocks at pinsala, asahan!

Ayon sa huling tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), kasama ang bayan ng Magsaysay sa mga nakaramdam ng Intensity V.