March 04, 2025

Home BALITA Eleksyon

IT expert at lawyer na nagsabing maaaring ma-hack ang eleksyon, kinasuhan ng Comelec

IT expert at lawyer na nagsabing maaaring ma-hack ang eleksyon, kinasuhan ng Comelec
Photo courtesy: Manila bulletin file photo and screenshot from Harold Respicio/TikTok

Tuluyang nagsampa ng kaso ang Commission on Elections (Comelec) laban sa isang abogado at Information and Technology (IT) expert na si Atty. Harold Respicio, kaugnay ng naging video content niya hinggil sa umano’y posibilidad na ma-hack ang 2025 midterm elections.

Ayon sa ulat ng GMA IntegratedNews kamakailan, nang naghain ang Comelec ng kaso laban kay Respicio at iginiit na hindi umano nila maaaring palagpasin ang pagsira umano sa proseso ng nalalapit na halalan.“Ito ay napaka-dangerous, napakamapanganib. Maliban sa misinformation, napakamapanganib sapagkat isipin n’yo ngayon pa lang kinokondisyon ang sambayanan na pupuwedeng gawan ng paraan [ang pagkapanalo sa eleksyon],” ani Comelec Chairman George Erwin Garcia sa panayam sa kaniya ng ilang reporters. 

Dagdag pa niya, “Hindi ang Comelec ang tinitira niya rito, kundi ang buong proseso at integridad ng ating halalan. Hindi papayag ang Comelec sa mga ganito.”

Matatandaang nakuha ni Respicio ang atensyon ng Comelec mula sa ngayo’y buradong video content niya sa social media na nagsasaad na maaari umanong ma-hack ang Automated Counting Machine (ACM) at maaari umanong madaya ang resulta ng eleksyon kapag nakakonekta sa internet ang mga ACM bago tuluyang i-print ang election return.

Eleksyon

Ilang krimen na may kinalaman sa eleksyon, umabot na sa 29 kaso<b>—Comelec</b>

Samantala, muling ipinaliwanag ni Respicio sa kaniyang latest TikTok content noong Marso 1, 2025, ang kaniya umanong intensyon kung bakit niya inilabas sa publiko ang umano’y posibleng maging butas at kahinaan ng proseso ng Comelec sa eleksyon sa Mayo. 

“Doon sa video na iyon, naging detailed ako sa pag-discuss ng computer securities. Paano i-take advantage yung kahinaan doon sa sistema ng automated counting Machine,” ani Respicio. 

Paglilinaw pa niya, “Para pag nakita ng Comelec, yung video na iyon 'Oo nga no?' O kaya nakita ng taumbayan yung video na ‘yon sasabihin nila 'Oo nga no? Convincing na convincing yung explanation ni Harold. Pwede ngang mangyari, ayusin nga natin ‘to.' Actually yun yung purpose ng video na yon eh. Yung hope ko na sana maayos ng comelec. Kasi ang simple lang no’n ayusin. Walang mawawala.”

Nahaharap sa reklamong paglabag sa Article 154 of the Revised Penal Code si Respicio kung saan nakasaad na, “It prohibits the unlawful use of publication and unlawful utterances. This includes publishing false news that endangers public order or damages the state's interest or credit.”