March 01, 2025

Home BALITA

Tinatayang nasa 46,000 PDL, naudlot maagang paglaya dahil sa binagong GCTA

Tinatayang nasa 46,000 PDL, naudlot maagang paglaya dahil sa binagong GCTA
Photo courtesy: Pexels

Hindi na matutuloy ang maagang paglabas sa kulungan ng tinatayang 46,000 inmates dahil sa naging pagbabago sa regulasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA). 

Ayon sa ulat ng GMA News Online nitong Sabado, Marso 1, 2025, hindi na maaaring makakuha ng GCTA ang mga detaineed na may kasong heinous crime katulad ng pagpatay at panggagahasa. 

Ayon pa sa ulat, katumbas ng tinatayang 40% populasyon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang nadamay sa pagbabagong ipinatupad sa GCTA noong Disyembre 2024. 

Batay daw sa huling tala ng BJMP, pumalo na sa 115,000 detainees ang nasa kanilang pangangalaga. 

Kolehiyo ng Agham sa UST, pinusuan dahil sa pagpapagamit ng wikang Filipino sa pagtuturo

Sa kabila nito, sinisikap umano ng BJMP, Department of the Interior and Local Government (DILG), Bureau of Corrections (BuCor) at Department of Justice (DOJ) na magkaroon ng bagong bersyon ang GCTA upang matugunan ang nasabing apektadong 46,000 inmates.