March 01, 2025

Home BALITA Probinsya

Diving activities sa probinsya ng Quezon, pansamantala munang ipagbabawal

Diving activities sa probinsya ng Quezon, pansamantala munang ipagbabawal
Photo Courtesy: Quezon Provincial Tourism Office (FB)

Naglabas ng abiso ang Quezon Provincial Tourism Office kaugnay sa pagsasagawa ng diving activities sa nasabing lalawigan.

Sa Facebook post ng tourism office nitong Sabado, Marso 1, sinabi nilang simula raw ngayong araw ay mahigpit munang ipagbabawal ang diving activities hangga’t hindi natitiyak na ligtas na muling magsagawa nito.

Ayon sa kanila, “Ipinararating sa publiko lalo na sa mga nagmamay-ari ng beach resorts na may mga diving activities na pansamantalang ipinagbabawal muna.” 

“Sa kadahilanang sa hindi ligtas sa ganitong gawain ang lagay ng karagatan sa ngayon at may ilang kumpirmadong ulat ng din ng ‘Shark Attacks,’” dugtong pa ng tanggapan.

Probinsya

Lalaking natalo ng <b>₱13k sa sugal, natakot mapagalitan ng tatay; nagpanggap na naholdap!</b>

Ito ay batay umano sa liham na natanggap nila mula sa Coast Guard Station Southern Luzon.

Matatandaang kamakailan lang ay naiulat ang tungkol sa dalawang Russian divers sa Batangas na natagpuang patay dahil umano sa shark attack.

MAKI-BALITA: Russian divers na natagpuang patay sa Batangas, inatake raw ng pating?