Hinayaan ng isang anak ang kaniyang tatay na magpalaboy-laboy sa kalsada dahil sa ilang kadahilanan.
Sa isang online community na Reddit, ibinahagi ng Reddit user ang mga dahilan kung bakit niya hinayaan na lang palaboy-laboy ang tatay nila.
Narito ang kaniyang kuwento:
"I'm 29, panganay sa 4 na anak, breadwinner. Nanay ko housewife, tatay ko walang trabaho. Ako nagpaaral sa sarili ko nung college and sa mga kapatid ko hanggang senior high school, however, di ko pa kaya sila magcollege, at nagwork na sila ngayon para makatulong. Plano namin is mag ETEEAP sila pag medyo makaipon na.
"13 years na kong breadwinner, I've been working since I was 16, walang palya, kahit nung pandemic di ako tumigil magwork kasi kundi, wala kaming kakainin. Nanay ko tagapag-alaga sa mga kapatid ko. May kapatid pa kong bunso na nasa elementary. May issue at problema din sa Nanay ko na mabigat din para sa akin pero that's for another story.
"Bata pa lang ako, talagang lasenggo na tatay ko. Kundi mga kapatid nya, barkada nya kainuman. Nagstop na sya magsupport nung nag 16 na ko, then naghiwalay na sila ni nanay dahil sa bisyo nya. Sinasaktan din nya kami minsan at lagi kaming minumura at sinusumbatan. May mga time naman na okay sya, pero sa memory ko, ilag ako sa kanya dahil nga halos araw araw lasing sya umuwi.
"Nasa abroad na ako now, pati kapatid kong sumunod, pero di naman sobrang laking sahod namin.
"4 years ago, nagmakaawa tatay namin kung pwede bumalik sa pamilya namin. Nangako na magbabago na, di na makikipagbarkada sa maling tao at susubukan alisin bisyo nya. Tinanggap namin kasi naawa kami and yun nga, tatay pa rin namin sya. Inadjust namin buhay namin to cater him, umuwi province nanay ko with him and nangupahan doon kasi mahal ang cost of living sa Manila. Binilhan namin sya tricycle para pangkabuhayan nya, and never namin na sya inobliga na buhayin kami. Then, sa 4 years, mga 10 na beses siguro syang lumayas, nakipaglaklakan na naman ng alak, uuwi kung kailan nya lang gusto at laging lasing, magmumura, mag eeskandalo sa bahay at yan lagi nila pinag-aawayan nila ng nanay ko. May time na ayaw ko na sya tanggapin, yung mga kapatid nya ayaw din sya patuluyin, so ginawa nya, sa sementeryo sya natutulog, nagmakaawa ulit, tinanggap namin ulit.
"Two weeks ago, ginawa na naman nya. Lumayas na naman, lasing na naman, hinayaan kapatid kong elementary na walang maghatid sundo sa school at mura mura na naman sa bahay. Napuno ako. This time naisip ko, I'm done. Pinalayas ko sa bahay via video call.
"Nagchachat sa akin now mga kamag anak nya na ginagambala nya. Pagtiisan nalang daw namin si Tatay at ganun na raw talaga. Ipag upa ko raw ng bukod na bahay kung di na sila nagkakasundo ni nanay. Itry ko raw ibili ng maliit na lupa para makapag-alaga ng mga hayop like itik, bibe etc. para may libangan at di na maglasing, as if na ang dali lang kitain ng pera porke alam nilang nasa abroad kami.
"Two weeks na sya ngayong palaboy laboy. Sa tricycle nya natutulog, kundi man, sa palengke o sa sementeryo ulit. Sabi pa sakin, parang may sakit na raw at di raw nawawalan ng ubo. Kasi ayaw ko nang tanggapin sa bahay. Ayaw na rin ng mga kapatid ko. Ayaw na ng nanay ko at may trauma na sa kanya yung kapatid kong bunso.
"Masakit sobra sa dibdib ko na ganun ang nangyayari sa kanya ngayon, nagmamakaawa sya ulit na tanggapin sya at wala syang matutuluyan, pero ano bang magagawa ko, lagi nyang pinipili ang ibang tao at bisyo nya kaysa sa pamilya nya.
"Hindi ako nakaexperience ng childhood dahil hindi naman sya naging maayos na provider. Di ko rin alam kung makapag-asawa pa ba ko kasi major breadwinner pa rin ako. Though nag aambag mga kapatid ko, ayaw ko namang ipasa ang bigat ng responsibilidad lahat.
"Sana sa susunod na buhay ko, mabuting magulang naman ang mapuntahan ko, sana, yung ako naman yung aalagaan. Pagod na pagod na pagod na kasi ako.
"Sarap siguro sa pakiramdam na mahal ka ng mga magulang mo."
Nagbigay-reaksyon naman ang mga netizen sa reddit:
"I respect your strength kasi nakaya mong i-break ang cycle kahit sooooooooooooooobrang hirap at sooooooooooooooobrang pagod ka na. I hope you know that you deserve the world for stepping up sa mga responsibilidad na hindi naman talaga dapat sa iyo."
"Pabayaan mo deserve nya yun. Sya ang Ama tungkulin nyang buhayin pamilya nya. The fact na dinanga nya ginampanan yun naging lasengo pa indi sya karapat dapat tawagin na ama. At kung isusumbat nya na kung di dahil sa knya dika mabububay sa mundong ito, sabihin mo dimonaman hiniling yun, sila gumawa nun."
"Alam mo OP, pag yung tao ayaw magbago they will fall into their same old tactics saka bisyo. Mahal natin parents natin OO pero di tayo responsible on fixing theirselves, you provided all what you can think is right pero at the end of the day kung hindi pa din sya masaya and contented dun and pinili nya yung lasinggan era nya, Yes he will wakeup lonely and alone.. susukuan sya ng lahat ng tao. So OP di ka masamang anak no matter how many bad words and ungrateful script ibato nila sayo... youre doing a job well done OP."
"Ang kailangan niya ay rehab. Unfortunately, sa dami ng lasenggo sa Pinas, kaunti lang ang mga rehab centers sa Pinas. Baka meron sa family na nasa pinas na puede magtanong sa DSWD kung saan may malapit na public rehab center."
"Fuck ungrateful people. As the son of someone like you OP na mula bata pa lng itinataguyod na ang parents and pamilya. In behalf na din siguro ng mga nasuportahan mo, isang malaking thank you sa mga tao na katulad mo na hindi sumusuko and iniisip at inuuna padin ang pamilya despite all the difficulties."
---
Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula umano sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.