Viral sa social media ang isang hindi pangkaraniwang coffee shop na matatagpuan sa Katipunan Avenue, Quezon City.
Sa Facebook post ni Precious Flores kamakailan, makikita ang hitsura ng coffee shop na ipinadron sa disenyo ng isang hardware o construction site.
“The owner literally said: puro estetik nalang mga kapehan, tarantaduhin nga natin ‘to ” saad ni Precious sa caption.
Dagdag pa niya, “The food and coffee is the total opposite ng theme, so good and yum!!”
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Live Performance: Naghahalo ng semento habang may tumutugtog ng Kenny Rogers"
"Walang tanduay hot babes calendar? Tsk tsk HAHAHAHHAAHAHAHA"
"Kaya pala mahilig mag coffee break si foreman eto pala last project nila."
"What if yayain talaga natin ang mga totoong construction worker dyan? Kakaibang experience yun para sa kanila "
"Mag kano po ang semento latte"
"Get ready for posts about 'romanticizing poverty' or 'making fun of the construction workers' etc "
"Estetik pa rin for me. Dapat medyo sira upuan."
"1 Concrete Cappucino pls. with 1 shot cement "
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 68k reactions at 37k shares ang nasabing post.