“Mag-donate at makalimot!”
Tila “two-birds hitting in one stone” ang atake ng kakaibang donation drive ng Caritas Manila matapos nilang ianunsyo kamakailan ang pagtanggap nila ng mga donasyon mula sa mga taong nagmu-move on.
Sa inilabas na promotional video ng Caritas Manila noong Huwebes, Pebrero 20, 2025, ipinakita nila ang isang animation ng tinawag nilang "Break-up box" na may nakasulat na, "Every broken heart needs a box."
"Help heal your broken heart by putting all your hurt in a box...and letting it go.
With a #BreakUpBox you can pack still-useful things from a past relationship and donate it to Segunda Mana!" saad ng Caritas Manila sa caption.
Sa kasalukuyan mayroon anum na outlets ang Caritas Manila sa pamamagitan ng Segunda Mana Charity na matatagpuan sa mga sumusunod:
- Gift Corner, 3rd Floor, Market Market, Taguig City
- Level 3, Farmer’s Plaza, Cubao, Quezon City
- 2nd Floor, Fairview Terraces, Quezon City
- Caritas Manila Compound, Manila
- Ground Floor, 500 Shaw, Mandaluyong City
- Riverbank Mall, Marikina City
- 3rd Floor, StarMall Edsa-Shaw, Mandaluyong City