February 21, 2025

Home BALITA

Magsasaka sa Bukidnon, pinugutan ng ulo ang lalaking nahuli umanong nagnakaw ng pananim

Magsasaka sa Bukidnon, pinugutan ng ulo ang lalaking nahuli umanong nagnakaw ng pananim
Photo courtesy: Pexels

Patay matapos pagtatagain at pugutan ng ulo ang isang lalaking nahuli umanong nagnanakaw ng pananim na mais ng isang magsasaka sa Malitbog, Bukidnon. 

Ayon sa ulat ng RMN News noong Miyerkules, Pebrero 19, 2025, mismong ang suspek na magsasaka ang nakahuli sa biktima na nagnanakaw ng kaniyang mga pananim na mais. 

Sinubukan pa umanong tumakas hanggang sa umabot daw ito sa tinutuluyan niyang kubo at saka tinamaan ng taga sa kaniyang likod. Matapos nito ay tinuluyan pa raw ng suspek na pugutan ng ulo ang biktima at itinapon ang ulo sa damuhan. 

Narekober ng mga awtoridad sa crime scene ang itak na ginamit ng suspek sa naturang krimen habang kusang sumuko naman umano ang suspek sa pulisya.

Eleksyon

VP Sara, inendorso si Sen. Bato: 'Matibay ang Bato, Hindi matitibag ang Bato!'

Depensa niya, maka-ilang beses na raw kasi siyang pinagnanakawan ng biktima at nadala lang umano siya ng kaniyang galit kaya nagawa ng krimen. 

Samantala, matapos ang ilang oras ay pinalaya na rin ng pulisya ang suspek matapos umanong iurong ng mga kaanak ng biktima ang kanilang isasampang kaso.