February 21, 2025

Home BALITA National

4.3-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental

4.3-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang baybaying sakop ng Davao Occidental nitong Huwebes ng madaling araw, Pebrero 20, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:15 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 328 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sarangani Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 145 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

SP Chiz, kokonsultahin daw mga senador hinggil sa impeachment trial kay VP Sara

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.