Laugh trip ang komento ng isang netizen kay "24 Oras" showbiz news presenter-TV host Iya Villania patungkol sa kaniyang mister na si Kapuso TV host Drew Arellano.
Sa Instagram post kasi ni Iya kamakailan para sa isang endorsement ng isang disinfectant ay makikitang maumbok pa ang tiyan niya at mukhang na-shoot pa iyon noong hindi pa siya nanganganak sa baby number 5 nila ni Drew na si Baby Anya Love.
"Buntis ka na naman?!?!" pabirong komento ni Drew sa comment section.
Isang netizen naman ang nagkomento, "di pa ba nagpapaligate si mama iya haha"
"abaaa! More pa ba? "
"Luh isa pa?"
Samantala, isang netizen naman ang biglang humirit ng biro.
"ma'am ipakapon nyo na po si sir Drew, charoot HAHAHA," aniya.
Pero giit ng nabanggit na netizen, "Im just kidding tho... they are both responsible naman sa mga anak nila, kaya goooo lang kung mag anak sila ng mag anak kasi maganda at gwapo naman lahi nila ."
Hindi naman nagkomento rito sina Iya at Drew.
MAKI-BALITA: Drew Arellano, kinaantigan matapos i-flex ang mag-ina niya