February 16, 2025

Home FEATURES Trending

Babae, nagpadala ng sariling bulaklak sa pinagtatrabahuhan niya para kunwari may admirer

Babae, nagpadala ng sariling bulaklak sa pinagtatrabahuhan niya para kunwari may admirer
(canva file photo)

Self love yarn?

Tsika ng isang babae na bumili raw siya ng bulaklak para sa kaniyang sarili at ipinadala ito sa opisina niya kung saan siya nagtatrabaho para daw maisip ng mga tao na may secret admirer siya. 

"Valentine's na naman! I used to have flowers brought to my office by my ex pero ngayon wala na akong boyfriend pero happy naman ako for the people who received them today," saad ng babae sa online community na Reddit.

Kuwento niya, noong 2017 daw bago raw siya sa trabaho at nalalapit na raw noon ang Valentine's Day. 

Trending

Lalaki sa Chile, nilamon at niluwa ng humpback whale

"I told my then best friend na gusto kong ma surprise sa Valentine's and I proposed an idea to exchange flowers. I would buy flowers and send it to her office while she does the same for me," saad ni ate gurl.

"Ang gaga pinadala after sa valentine's day but anyways at least pinadala (I was a placeholder friend before so kahit na ganon ang treatment sa akin okay lang). So, yun na nga pumasok ang delivery man (hindi pa uso ang Grab nuon) sabay sabi 'Para kay Maám *toot*'. Lahat ng officemate ko sumigaw at kinilig. HAHAHAAHAHAHAHA!!!

"May card pa yun sabi 'Love you'. Hahahahaahah!!! Tanong sila ng tanong kung sino nagbigay. Sabi ko hindi ko inexpect na padadalhan niya ako HAHAHAHAHAAHA!! Pinost pa yung picture ko na dala yung flowers with the caption 'Ang winner!'," kuwento pa niya. 

Pero after daw ng year na yon ay nagkaroon na raw siya ng boyfriend at meron na siyang flowers every Valentine's Day.

Kaniya-kaniya tuloy comment ang mga netizen sa naturang post.

"Can we normalize giving flowers to any of your loved ones, such as best friends and friends? Coz why not?!"

"ito na ba ang bagong ritwal para magka boyfriend? hahahaha cutie!"

"May officemate ako dati na ganito. Alam naman ng lahat na single siya, kasi puro drama ang posts, puro hugot kahit normal conversations. Tapos biglang may dumating na flowers. Di ko na maalala kung pano nabuko eventually, pero nakakaawa na nakakatawa siya."

"Hmmm. Madadownvote ako dito. But just my 2 cents.. Nothing wrong naman to buy yourself a flower or kung binigyan ka ng flower ng friend mo. Pero yung para sa isipin sa office na may admirer ka is cringe"

"Di ko naisip yan. Magawa nga HAHAHAHA"

"My best friend and I did this too, but instead of flowers, we sent cakes to each other with the caption, “Happy Valentine’s Day, Love” Gulat lahat ng katrabaho ko because they know that I’m single. They were like, “Kelan ka pa nagka boyfriend?????”"

"Bakit late ko na nabasa? Hahahahaa mysterious new employee sana ako"

"Di mo pinost kagad OP, Di ko tuloy nagawa oh well, next year nalang HAHAHAHAHA"

"I can buy myself flowerssss"