February 13, 2025

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Iba't ibang sex positions para tumagal sa kama

ALAMIN: Iba't ibang sex positions para tumagal sa kama

Tila aksidenteng nabanggit ni chef-actor Marvin Agustin ang paborito niyang sex position sa isang episode ng The KoolPals kamakailan.

Bago kasi magsimula ang nasabing podcast, nagkaroon muna ng slumbook questions para kay Marvin at sa “Ex Ex Lovers” co-star nitong si Jolina Magdangal.

MAKI-BALITA: Marvin Agustin, isiniwalat favorite s*x position

At dahil nalalapit na ang Araw ng mga Puso, parang magandang pag-usapan ang tungkol sa mga nasabing posisyon na makakatulong sa isang mahaba at nagbabagang “bakbakan” sa kama.

Human-Interest

'Nurse Nemo' nagpaalala sa mga ekis na lubricant sa 'bakbakan'

Ayon sa isang artikulo ng Steady Freddy, may ilan umanong salik ang sex positions sa haba o tagal ng pakikipagtalik tulad ng “depth of thrust,” complexity of holding a position,” at “ability to relax and breathe in a position.”

Kaya naman, narito ang ilang posisyon na pwedeng ikonsidera upang hindi na mabitin pa ang partner mo sa nasimulang romansa lalo ngayong paparating na Valentine’s Day.

1. Spooning

Sa simpleng cuddle kadalasan nagsisimula ang spooning. Sa una, nakaposisyon ang lalaki sa likod ng babae habang yakap niya ito. Kapaan, pisilan, kiskisan, at halikan. Hanggang sa unti-unti nang nag-iinit ang isa’t isa. Magkakahubaran na. Mauuwi na sa kapusukan at pasukan ng ari. 

At dahil pareho kayang nakahiga nang patagilid, hindi mo maigagalaw nang maayos ang balakang mo. Medyo mahihirapan ka agad maka-penetrate. Kaya mapipilitan kang ituon ang atensyon sa maingat na pagmamaniobra ng ari mo sa butas, na makakatulong para mailihis ang isip mo sa kagustuhang makaraos agad. 

2. Side-by-side

Kung gagawin ang posisyong side-by-side, ang kailangan lang gawin ay humiga sa kama at humarap sa partner mong naghihintay nang madiligan. Pagkatapos, iangat mo ang kaniyang binti at ipatong sa ‘yong balakang para unti-unti mo nang maipasok ang nota mo sa pwerta niya. 

Sa posisyong ito, hindi lang daw lalaki ang maliligayahan kundi pati ang partner niyang babae dahil mas malayang makakagalaw ang kaniyang mga kamay para makapag-foucs sa clitoral stimulation kaysa deep penetration.

3. Reverse cowgirl

Magandang alternatibo raw ang reverse cowgirl sa dogstyle. Pero sa posisyong ito, ipinauubaya ng lalaki ang kontrol sa partner niya. Nakatalikod na papatong ang babae sa lalaki. 

Ibig sabihin, sa babae nakasalalay ang bilis o bagal ng indayog. Pati ang lalim o babaw ng pagkakabaon. Kaya naman sa ganitong posisyon ay mapipigilan ng lalaki na madala agad sa tumataas niyang libido. 

4. Seated Lotus

Tulad ng reverse cowgirl, babae pa rin ang nasa ibabaw sa seated lotus. Pero ang pinagkaiba nga lang, mas magkakaroon ng intimate moment ang mag-partner sa posisyong ito. Makakapagtitigan sila sa isa’t isa. 

Ang kailangan mong gawin, umupo sa kama upang makapwesto na rin ang partner mo sa ibabaw mo. Kapag nakapatong na siya, maigigiling na niya ang kaniynag balakang hanggang sa maabot mo ang kasukdulan nang hindi bumabayo.

Makakatulong ang ganitong posisyon na ma-stimulate ng partner mo ang kaniyang g-spot habang ikaw naman ay nakakapag-relax.

5. Missionary

Bukod sa seated lotus, pwede ring subukan ang basic at classic na posisyon kung gusto n’yo talagang mag-partner na magkaroon ng intimate moment sa isa’t isa. Kadalasan daw kapag nakaposisyon ng missionary ang mag-partner ay natatagalan ang lalaking makapagpalabas. Sa posisyon kasing ito ay hindi kinakailangan ang mabilisang pagbaon kaya mas kontrol ang pagbayo.

Paano nga ba ito gagawin? Simple lang. Pahigain ang partner mo at ikaw naman ay luluhod sa harap niya. Pagkatapos, ibuka ang kaniyang dalawang binti para maipasok mo na ang dapat mong ipasok.

6. Lowered Doggy-style

Kung mabilis makaraos sa regular doggy-style, pwede raw subukan ang lowered doggy-style. Pumosisyon sa likod ng jowa o partner na bahagyang nakadapa at ipasok ang ari. Sa ganitong posisyon, bagama’t makakaranas ka ng deep penetration, makokontrol mo naman ang urge mong makaraos.

7. Tabletop

Ayon sa sex expert at specialist sa psychosexual therapy Charlotte Johnson, isa raw great standing sex position ang tabletop.

“This move involves one partner lying don or sitting on a tabletop, or any flat surface, at hip height. The other partner penetrates by standing in front of them and leaning over ever so slightly,” aniya.

8. 69

Ang 69 o mas kilala ng mga Pinoy sa tawag na baligtaran ay ang posisyon para sa oral sex. Papatong ang isa sa ibabaw taliwas sa posisyon ng nasa ilalim niya upang maabot ng mga bibig nila ang ari ng isa’t isa.

9. Helicopter

Isa na siguro sa pinakamahirap pero best umanong posisyon ang helicopter. Sa posisyong ito, sasampa ang lalaki sa nakatuwad niyang parnter nang nakapasok ang ari sa magkataliwas na pwesto.

"In essence, the receiver needs to position themselves in classic downward dog with their feet and hands on the floor with their bottom tilted upwards," saad ng sex expert na si Anna Richards.

10. Butterfly

Maihahalintulad sa tabletop ang butterfly. Sa posisyong ito ay lalaki rin ang nakatayo. Pero iaangat niya ang balakang ng partner niya at itataas ang mga hita nito.

Ilan sa mga benepisyo ng ganitong posisyon sa partner ng lalaki ay ang enhance g-spot stimulation, comfort at support.

Pero tandaang hindi ganap na mareresolba nito ang problema sa pakikipagtalik tulad ng premature ejaculation. Kung sakali mang hindi pa rin tumalab ang mga nabanggit na pamamaraan, iminumungkahi ang pagkonsulta sa mga eksperto upang mas mapayuhan ng mga dapat gawin.