February 13, 2025

Home FEATURES Balitang Pag-Ibig

ALAMIN: Ang hiwaga ng 'Channel 108' at 'Channel 110' sa isang hotel

ALAMIN: Ang hiwaga ng 'Channel 108' at 'Channel 110' sa isang hotel
Photo courtesy: Jeremy R via Foursquare

Panahon na naman ng "Feb-Ibig" o Love Month, at kapag ganitong panahon, tiyak na tiba-tiba na naman hindi lamang ang mga mall, sinehan, o restaurants kundi maging ang iba't ibang hotel o motel sa Pilipinas.

BASAHIN: ALAMIN: Mga abot-kayang hotel na matutuluyan n'yo ni Bebeloves sa Valentine's Day

Pagkatapos ninyong mag-date ni Bebe mo sa Valentine's Day, siyempre, kung pagod kayong dalawa, parang ang sarap magpahinga 'di ba! Kaya naman, maraming motel at hotel na puwedeng pagpahingahan muna, o kaya naman, "bakbakan" time! Pero kung bet n'yo lang magpalamig at manood ng TV at mag-relax, okay lang din.

At isa nga sa mga pinakapatok na hotel na puwedeng puntahan na maraming branch dito sa Pilipinas, may sagot para mas maging ganado ang "loving-loving" ng magsing-irog.

Balitang Pag-Ibig

National Boyfriend Day? Ilang viral wedding proposals na inulan ng Sana-all!

Nariyan ang dalawang channels nila na "108" at "110."

Sa ibang branch, ito ay "channels 110 at 112."

Karaniwang mapapanood ang local channels at cable channels na maaaring ino-offer ng hotel na iyon. Depende sa lugar at setup, maaaring makita ang iba't ibang news channels, entertainment channels, o kahit mga local programming depende sa kanilang cable subscription. Pero ang isa sa mga patok na pinapanood dito, ang channels 108 at 110 na para sa "adult-content."

Photo courtesy: Tripadvisor

Makikita agad sa itaas na bahagi ng telebisyon sa loob ng kuwarto kung anong bubungad sa iyo kapag nahawakan mo ang remote control at mailipat ang channels para humanap ng panoorin.

Kapag bet ninyo ni Sweetheart na ganahan sa panonood ng "Asian adult-content" para mas relatable, pihitin lang ang channel 108. Dito, makikita ang iba't ibang Asian couple na talaga namang gaganahan kayong sabayan, ang iba pa nga, may "blurred scene" pa.

Kung bet n'yo naman ng bakbakan mula sa "US/Euro," makabubuting ilipat ang channel sa 110. Dito, mapapamulagat ang mga mata ninyo sa "laki," "haba," "taba," at "lapad."

Kapag sawa na kayo, konting pihit lang dahil may channels 112 at 114 pa. Wholesome na ito. Sa channel 112, karaniwang "Blockbuster Movies" at kung gusto ninyo naman ng kantahan, pumunta lang sa channel 114 para sa "Music."

Kaya kung halimbawang magche-check in kayo sa hotel na ito, lalo na kung may kasamang mga junakis, makabubuting abisuhan ang staff na alisin ang mga "nakakaeskandalong" channel guide sa itaas ng telebisyon.

Nakapasok ka na ba sa hotel na ito?