Wala pang plano sa Valentine’s? Baka bet mong mag-book na ng “purrfect date” kasama ang adorable fur babies sa PAWS!
Inanunsyo ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang handog nilang “FURST DATE” para sa animal lovers kasama ang rescued fur babies nila sa shelter ngayong season of love.
Ayon sa PAWS, ang kanilang “FURST DATE” ay isang taunang Valentine’s Day fundraising event na naglalayong suportahan ang mga nangangailangang hayop.
Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Sharon Yap, Sr. Humane Education Officer at Events Coordinator ng PAWS, ibinahagi niyang nagsimula ang kanilang “FURST DATE” noong 2018.
“We started in 2018. Then noong 2020 the date was with the horses of Taal to raise funds for them since they were affected ng volcanic eruption,” ani Yap.
Pansamantala naman daw nahinto ang pagsasagawa nila ng “FURST DATE” noong 2021 at 2022 dahil sa lockdown dulot ng Covid-19 pandemic.
Nang buksan muli ang event noong 2023, nagtuloy-tuloy na ito hanggang sa ngayong 2025.
Pagbabahagi ng PAWS, isasagawa nila ang Valentine’s fundraising event ngayong taon sa Lunes, Pebrero 10, hanggang sa Biyernes, Pebrero 15.
Magsisimula raw ang “FURST DATE” dakong 10:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa Pebrero 10 hanggang 14, at mula 9:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi sa Pebrero 15.
“Looking for the purrfect way to celebrate this season of love? Why not spend it on the most furtastic date falling in love with a rescued animal!” anang PAWS sa isang Facebook post.
Sa halagang ₱750, maaari nang magkaroon ng kalahating oras na date kasama ang isang cute na aso o pusa sa kanilang shelter. Kasama na rin sa date ang snacks at isang token mula sa PAWS.
“Spend some one-on-one time with our adorable rescues to help support animals in need,” anang PAWS.
“For just ₱750, you’ll get a half-hour date with a shelter cutie of your choice, tasty snacks for you and your furdate, a cute token from PAWS, and the warmest, fuzziest feeling knowing you’re supporting animals in need too!” dagdag nito.
Para sa mga nais sumalang sa isang “purrfect date” kasama ang fur babies sa animal shelter, maaaring mag-book sa pamamagitan ng kanilang website: paws.org.ph/book-furst-date.
“If you can’t come over for a date in person, you can still make a difference by SPONSORING a date to give a rescue the gift of love and companionship while supporting the cause. So don’t miss out on the most unfurgettable way to celebrate love this month! See woo there!” saad ng PAWS.