“Teh, hindi ito usapang jowa. Isyu ito ng pananagutan.”
Ito ang naging pagbuwelta ni Akbayan Rep. Perci Cendaña sa naging hirit ni Vice President Sara Duterte na “mas masakit pang maiwanan ng boyfriend o girlfriend kaysa ma-impeach ng House of Representatives.”
Matatandaang bago matapos ang isinagawang press conference nitong Biyernes, Pebrero 7, humirit si Duterte kaugnay ng pag-impeach sa kaniya ng House of Representatives at ng nalalapit na Araw ng mga Puso.
“Alam ninyo, mas masakit pa ang maiwanan ng boyfriend o girlfriend kaysa ma-impeach ka ng House of Representatives,” saad ni Duterte.
MAKI-BALITA: VP Sara: ‘Mas masakit pa maiwanan ng BF o GF kaysa ma-impeach ng House!’
Sa isa namang Facebook post nito ring Biyernes, iginiit ni Cendaña na nagpapakita umano ang hirit ni Duterte na mababa nitong pagtingin sa serbisyo publiko.
“Mas masakit pa daw maiwanan ng BF or GF kesa ma-impeach. Ganyan kababa ang tingin ni VP Sara sa public service at kanyang position,” ani Cendaña.
“Teh, hindi ito usapang jowa. Isyu ito ng pananagutan,” saad pa niya.
Matatandaang noong Miyerkules, Pebrero 5, nang i-impeach ng House of Representatives si Duterte matapos lumagda rito ang 215 mambabatas.
MAKI-BALITA: House of Representatives, inimpeach na si Vice President Sara Duterte
MAKI-BALITA: ALAMIN: Listahan ng solons na pumirma sa impeachment laban kay VP Sara