February 05, 2025

Home FEATURES Trending

'7 years over 2 weeks:' Girlfriend, pinagpalit umano ng boyfriend niya sa co-teacher nito

'7 years over 2 weeks:' Girlfriend, pinagpalit umano ng boyfriend niya sa co-teacher nito
Photo Courtesy: Freepik

“Yung mga hinala ko sa’yo, sinabi mo sa akin na hindi lahat totoo ‘yon–na ‘wala lang ‘yon…”

Viral ngayon sa social media ang pag-eexpose ng isang netizen tungkol sa umano’y panlolokong ginawa sa kaniya ng long-time boyfriend niya.

Sa Facebook post ni Abigail Sobreo noong Martes, Pebrero 4, isinalaysay niya nang detalyado kung paano humantong sa hiwalayan ang relasyon nila kalakip ang mga “resibo.”

“7 years over 2 weeks (daw). Hindi ko ineexpect na hahantong tayo sa gantong sitwasyon. Yung dadating sa point na yung kinakatakot kong mangyare and inaakala kong hinding hindi mo magagawa sakin is nagawa mo,” saad ni Abigail sa caption.

Trending

'English-Only Policy' announcement ng pamantasan sa Laguna, inedit ng journalist

“Yung mga hinala ko sayo sinabi mo sakin na hindi lahat totoo yon na ‘wala lang yon,’” pagpapatuloy niya. “Pero hindi pala, dahil simula nung binigyan mo ko ng dahilan para mag selos at maghinala sa inyong dalawa. Mas lalong akong hindi napanatag.”

Ayon kay Abigail, nagsimula raw ang lahat ng matuklasan niya ang TikTok dance video ng boyfriend niya at co-teacher nito na aksidenteng dumaan sa feed niya.

Matapos nito, sinubukan daw niyang i-reach out ang jowa ng co-teacher ng boyfriend niya. Maayos naman siya nitong tinugon. In fact, humingi pa nga ng pasensya sa nangyari.

Hanggang sa nakausap ni Abigail si co-teacher sa pamamagitan ng chat. Babae sa babae. Nilinaw nitong wala siyang intensyon na manira ng relasyon kaya humingi pa ng pasensya.

Nanuyo naman ang kaniyang boyfriend matapos niyang humingi ng space. Nag-usap sila at inaayos ang lahat para magsimulang muli.

Pero ilang araw ang nakalipas—ayon kay Abigail—nagkaroon umano ng parinigan sa TikTok mula sa mga kaibigan ni co-teacher. Kaya nagkasagutan sila sa chat na humantong din naman sa paghingi nito ng tawad.

Ngunit hindi pa pala rito natatapos ang lahat. Lalong lumala ang kalagayan ng kanilang relasyon makalipas ang isang taon. Noong araw ng monthsary nila, imbes na celebration ang mangyari, nauwi ito sa pag-aaway. 

Kung noon, si Abigail ang humingi ng space, ngayon ay ang boyfriend na nito. Hanggang sa nabasa ni Abigail ang conversation ng boyfriend niya at ng co-teacher nito na nagpapalitan na ng “i love you.” 

Sa huling bahagi ng post, naghayag ng panghihinayang si Abigail sa pitong taong iginugol niya para sa kaniyang boyfriend. Pero mabuti na lang daw ay may Diyos siyang kakapitan ng lakas.

Aniya, “Buti nalang tinanggal ka narin ni Lord sa buhay ko, dahil ang hirap sigurong pakisamahan yung taong harap harapang kayang sabihin na mahal ako at ako parin yung gustong pakasalan at maging ina kamo ng magiging anak mo, pero may ka-iloveyou-han na palang iba.”

Dagdag pa ni Abigail, “HINDI AKO ANG NAWALAN, HINDI KO DESERVE ‘TO HINDI KO PANG HIHINAYANGAN YUNG PINAG SAMAHAN NATIN NG 7 YEARS.”

Umani tuloy ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"I can't imagine sk na ganto, cheer up ate abi!"

"nakakalungkot! pero hndi mo deserve yan! kaya mo yan be"

"face reveal po ng girl baka makaagaw pa ng iba "

"I love you mare, nandito lang si Angge hugs for you"

"Kaya mo yan ate chair. Here lang kaming mga sk mo na masasandalan mo sa ganyang problema mo . Kaya mo yan ate pakatatag kalang po . "

"Naturingang mga teacher huhu ano manlang yung maayos na nakipaghiwalay. Siguro naman deserve mo yun kasi hindi biro ang 7 years."

"Babawi nalang sa ugali dipa nagawa hahahaha"

"tinanong pa kita kung kelan kayo magpapakasal"

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 252K  reactions at 175K shares ang nasabing post.