February 03, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Julius Manalo, binisita sa Pilipinas ng Koreanang ina

Julius Manalo, binisita sa Pilipinas ng Koreanang ina
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Public Affairs (YT)

Muling nagkita ang mag-inang sina Oh Geum Nim at Julius Manalo matapos ang kanilang unang pagkikita sa South Korea apat na buwan ang nakalilipas.

Sa latest episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho noong Linggo, Pebrero 2, binisita mismo si Julius ng kaniyang ina sa Pilipinas.

Ayon kay Julius, kinabahan pa rin daw siya kahit hindi ito ang unang pagkikita nila ng kaniyang ina. 

“Kinakabahan pa rin ako kahit nagkita na kami dati. Kasi ibang settings ‘to, e. First time in the Philippines. Mai-introduce ko sa kaniya kung ano ‘yong buhay ko rito,” aniya.

Human-Interest

Ricky Lee sa aspiring writers: ‘Yung passion, ‘wag hayaang manatiling passion, lagyan mo ng action’

Kaya naman nang salubungin na ni Julius sa airport si Oh Geum Nim ay naging emosyunal pa rin silang dalawa.

“Na-miss din kita Jun-Yeong [Julius]. I love you so much,” wika ni Oh Geum Nim.

Kasamang bumiyahe ni Oh Geum Nim patungong Pilipinas ang tita ni Julius at ang pinsan nito na madalas daw kasama nito sa mga lumang picture.

Ilan sa mga lugar na pinuntahan nilang mag-ina ay ang Luneta Park, Intramuros, simbahan kung saan kinasal si Julius, at sa kinalakhan niyang lugar sa Tondo.

Matatandaang bago nangyari ang unang pagtatagpo nina Julius at Oh Geum Nim ay mahigit tatlong dekada nilang hindi nakikita ang isa’t isa.

MAKI-BALITA: Makalipas ang 31 taon: Pulis, nahanap at muling nakasama ang Koreanang ina

Si Julius ay half-brother ng aktor na si Jay Manalo. Sa isang panayam, inihayag ni Jay na masaya raw siyang nakita na ni Julius ang ina nito.

MAKI-BALITA: Jay Manalo, masaya para sa half-brother na nakita na ang ina