April 19, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sermon-talak ni Toni Fowler sa tamang behavior sa 'fine dining restaurant,' patok

Sermon-talak ni Toni Fowler sa tamang behavior sa 'fine dining restaurant,' patok
Photo courtesy: Screenshot from Toni Fowler (YT)

Bet na bet ng mga netizen ang viral video ng social media personality na si Toni Fowler habang sinesermunan niya ang isa sa mga miyembro ng ToRo family matapos nilang kumain sa isang "fine dining restaurant."

Makikita sa video ang sermon ni Toni habang nasa loob sila ng kotse. Mula ito sa lumang episode ng ToRo Family online series ni Toni kung saan pinagsasabihan niya si Micaela Marcelo o "Mikay" tungkol sa ginawa nitong hindi magandang asal habang nasa labas sila at kumakain kasama si Doc Yappy at ang misis nito. 

Si Doc Yappy o Dr. Eric Yapjuangco ay isang kilalang plastic surgeon. Si Toni naman ay kaniyang kaibigan at kliyente. 

"Noong dinner, anong nangyari? May inaabot sa 'yo si Papi anong nangyari---Put*ng-ina nalaglag 'yong biskwit, tama? Tayo ay nasa fine dining restaurant, 'di ba, so 'yong pagka-iskwater natin, iwan natin sa bahay," talak ni Toni.

Tsika at Intriga

Namash-up din? Ate Gay, sinabihang 'RIP'

"Pagkalaglag, nandoon sina Ms. Vina, sina Doc Yappy, imbis na 'Ay sorry sorry,' anong naging reaksiyon? 'Put*ng-ina nito! Nagbibigay lang, ganiyan pa eh.' k*ng-ina mo naman. Nasa restaurant ka naman na sosyal. Kailan mo 'ko narinig na 'P*ki ng-ina naman eh,' naggagagano'n ako sa harap ni Ms. Vina? Never," giit pa ni Toni.

"Ang tawag doon, pakikisama. Hindi ka naman magiging peke eh. Pero, put*ng-ina, um-adjust ka naman sa sitwasyon. 'T*ng-ina naman, nagbibigay bigay lang ako eh.' Napaganoon ako sa 'yo, 'Ay put*ng-ina ni Mikay oh. Ay g*go.' Napaganoon ako. Nakatingin lang ako sa iyo ng ganyan. 'Tapos no'ng sinabi mo na 'Sorry, sorry po, sorry po,' noong gumilid kayo, saka ako kumalma," pagpapatuloy niya.

Ang punto ni Toni, kinakailangan daw na iwanan ang mga nakasanayang gawi at makisama raw sa ibang tao, lalo na pagdating sa manners.

Hindi naman daw ito pagpapakaplastik kundi pagpapakita ng pakikisama.

Dahil dito, ginawan na rin ito ng iba't ibang meme at nakakatawang content, kabilang na rin ang sikat na content creator na si Davao Conyo.