Gusto mo na bang maikasal sa iyong minamahal? Narito ang ilang local government units sa Metro Manila na may handog na libreng kasal na magaganap ngayong Pebrero 2025!
MAYNILA
Sa Pebrero 3, 2025 na ang nakatakdang deadline para sa mga Manilenyong nais magpakasal sa pamamagitan ng "Kasalang Bayan" sa lungsod, na pinangungunahan ni Vice Mayor Yul Servo Nieto.
Narito ang mga requirements:
Para sa mga edad 18 hanggang 24 na taong gulang:
- Marriage License (Local Civil Registry)
- Certificate of No Marriage ng magpapakasal (CENOMAR - PSA copy)
- Birth certificate ng magpapakasal (PSA copy)
- Valid Government issued ID (photocopy)
Para sa mga edad 25 pataas na taong gulang:
- Certificate of No Marriage ng magpapakasal (CENOMAR - PSA copy)
- Birth certificate ng magpapakasal (PSA copy)
- Valid Government issued ID (photocopy)
Dalhin at ipasa ang mga requirements sa tanggapan ng bise alkalde sa 1721 Quiricada St. cor Sulu St. Sta. Cruz, Manila mula 9:00 AM - 5:00 PM.
QUEZON CITY
Hanggang sa Pebrero 5, 2025 na lamang magpasa ng requirements sa mga nagnanais na lumahok sa Kasalang Bayan 2025 ng lungsod.
Narito ang mga requirements:
- Photocopy ng Birth certificates
- CENOMAR
- Photocopy ng QCitizen ID
- Application forms na isesend sa City Civil Registry Department (CCRD).
- Dapat ay nasa 18 taong gulang pataas
- May isang pares ng witnesses (1 ninong, 1 ninang)
CALOOCAN
Bilang pagdiriwang sa 63rd Cityhood Anniversary ng Caloocan, handog ng nasabing lungsod ang libreng kasal para sa kanilang residente na gaganapin sa Pebrero 14.
Gaganapin ang Kasalang Bayan 2025 sa Caloocan Sports Complex dakong 4:00 PM.
Narito ang mga requirements:
- Ihanda ang original at xerox copy ng inyong birth certificate at valid ID. Para sa mayroon ng anak, ihanda din ang birth certificate nito.
- Ipasa ang mga dokumento sa sumusunod na lugar:
North: 3rd Floor, City Registry Department, Kai Mall
South: 6th Floor, City Registry Department, Caloocan City Hall
VALENZUELA CITY
Sa Araw ng mga Puso, Pebrero 14, magaganap ang Kasalang Bayan na handog ng Valenzuela City.
Narito ang mga requirements:
- Accomplished application form na maaaring makuha sa tanggapan ng Local Civil Registry,
- Birth o Baptismal Certificate (PSA o local copy)
- CENOMAR
- Parental Consent form na pipirmahan ng magulang o guardian sa mismong araw at lugar ng pagpasa para sa ikakasal na may edad 18 hanggang 20 taong gulang.
- Parental Advice form na pipirmahan ng magulang o guardian sa mismong araw at lugar ng pagpasa para sa ikakasal na may edad 21 hanggang 25 taong gulang.
- Seedling o Sapling Donation para sa Plant A Love Certification Program.
NAVOTAS
Magaganap ang Mass Wedding o Kasalang Bayan ngayong Pebrero sa Navotas.
Narito ang mga requirements:
- PSA Copy of Birth Certificate of Applicants (if the PSA Copy of the Birth Certificate of one or both applicant is/are blurred or unreadable, a Certified True/Photocopy of the Birth Certificate issued by the Local Civil Registrar will be needed and Baptismal Certificate).
- Latest or Newly Issued CENOMAR from PSA
- Latest Community Tax Certificate (CEDULA)
- 2x2 picture (1 pc. each)
- Valid ID of one or both applicants with address in Navotas City (Original & Photocopy)
- If one or both applicants is/are annulled, a Certified True/Photocopy of the decision issued by the Local Civil Registrar from where the annulment is filed and Certificate of Marriage with Annotation from PSA.
- Marriage Certificate and Death Certificate of the Spouse from PSA (if the applicant is widow/widower)
- Birth Certificate of the eldest child (if the couple are living together for 5 years or more)
Kapag nakumpleto na ang mga requirements, ipasa na ito sa Local Civil Registrar's Office sa 2nd floor ng Navotas City Hall o tumawag sa 8-283-7415 loc. 203.
MUNTINLUPA
Sure ka na raw ba sa forever mo? Magpalista na sa Kasalang Bayan ng Muntinlupa City na gaganapin sa Pebrero 14.
Magpalista sa Pumunta sa Community Affairs and Development Office (CADO), 2nd Floor, Annex Bldg., Muntinlupa City Hall. Mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM (hindi kasama ang holidays).
Narito ang mga requirements:
Para sa mga nagsasama ng higit sa limang taon:
- Personal appearance ng ikakasal
- Kailangan ang isa sa ikakasal ay residente ng Muntinlupa
- CENOMAR
- Affidavit of Cohabitation mula sa CADO
- Birth certificate (PSA copy) o Baptismal Certificate ng mga ikakasal
- Birth certificate (PSA copy) ng panganay na anak
- Valid ID ng mga ikakasal
Para sa mga nagsasama ng wala pa sa limang taon
- Marriage license
- Personal appearance ng ikakasal
- Kailangan ang isa sa ikakasal ay residente ng Muntinlupa
- CENOMAR
- Valid ID ng mga ikakasal
- 2x2 pictures ng ikakasal
- Pre-marriage orientation mula sa Muntinlupa Population Development Office
- Parent's consent ng ikakasal kapag below 21 years old
- PSA copy ng Certificate of death of the decease spouse, kung ang ikakasal ay may record na ng kasal.