January 31, 2025

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

'Dahil sa Ere?' JK, pinagpa-public apology matapos umanong magmura sa Dinagyang Festival

'Dahil sa Ere?' JK, pinagpa-public apology matapos umanong magmura sa Dinagyang Festival
Photo courtesy: JK Labajo Oiifcial

Nais umanong hingan ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ng public apology ang singer-actor na si JK Labajo matapos ang pagmumura sa kaniyang guest peformance sa pagdiriwang ng Dinagyang Festival. 

Ayon sa ulat ng GMA Regional TV nitong Biyernes, Enero 31, 2025, nangyari ang pagtatanghal ni JK noong Enero 24 kung saan kinanta niya ang sikat na awiting “Ere” na may kasamang mura sa lyrics nito. 

Giit ni Treñas, hindi raw akma ang pagmumura ng singer dahil ang Dinagyang festival ay isa umanong religious event.

“We will do something about it. Hindi natin ito ito-tolerate,” anang Mayor sa media.

Musika at Kanta

Sanya Lopez, Maymay Entrata pinagsabong ng netizens!

Nilinaw naman ng Iloilo Festivals Foundation, Inc (IFFI), na bagama’t dumadaan daw sa kanila ang lineup ng guest artists sa naturang pagdiriwang, aminado raw silang hindi na nila inaalam ang mga kakantihin ng mga ito. 

“Normally, isina-submit talaga ang lineup of artists and events dahil isinasubmit sa security and safety for their deployment. But as to the lineup of songs na kakantahin, yan ang wala tayo,” saad ng IFFI.

Dinepensahan naman ni City Councilor Rex Marcus si JK at iginiit na wala umano siyang nakikitang mali sa naging pagtatanghal ng singer.

“I am fully aware that it is during the celebration of the Dinagyang Festival which is a cultural-religious event, however, the words uttered were not during a Mass or a direct celebration of a religious rite or ceremony. It was in the context of a concert wherein the religious aspect of the Dinagyang remains as an indirect background element,” giit ni Marcus sa panayam sa GMA Regional TV.

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag o komento ang nasabing singer, hinggil sa nabing public apology na hinihingi ng lokal na pamahalaan ng Iloilo City.