Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. para sa pagdiriwang ng Chinese New Year, Miyerkules, Enero 29.
Mababasa sa kaniyang Facebook page na "Bongbong Marcos" ang kaniyang pagbati sa Filipino-Chinese community at sa buong bansa para sa araw na ito.
"I extend my greetings to the Filipino-Chinese community and the entire nation as we celebrate the Chinese New Year," aniya sa kaniyang post.
Dagdag pa niya para sa Year of the Snake, "May the Year of the Snake guide us with its wisdom and empower us to move through life with grace."
Ibinahagi naman sa opisyal na Facebook page ng Office of the President at Presidential Communications Office ang opisyal na pahayag ni PBBM para sa pagdiriwang.
"In his message, the President highlights the virtues of wisdom, intuition, and transformation symbolized by the Year of the Snake, encouraging everyone to embrace hope, renewal, and shared aspirations for a prosperous Bagong Pilipinas," mababasa sa caption.