Nagpahatid din ng pagbati si House Speaker Martin Romualdez para sa Chinese New Year, Miyerkules, Enero 29, na mababasa sa kaniyang opisyal na Facebook page.
Anang Romualdez sa kaniyang Facebook post, "Isang masagana at mapagpalang Chinese New Year sa ating mga kaibigang Chinese at kababayang Filipino-Chinese!"
"Nawa’y hatid ng bagong taon ang kasaganaan, kalusugan, at tagumpay sa inyong lahat," dagdag pa niya.
Bukod sa kaniya, nagpaabot na rin ng pagbati sina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at Pangalawang Pangulong Sara Duterte para sa Chinese New Year.
MAKI-BALITA: PBBM bumati sa Chinese New Year, may hangad ngayong Year of the Snake
MAKI-BALITA: VP Sara sa Chinese New Year, Spring Festival: 'Embrace the spirit of generosity and harmony!'