May 06, 2025

Home BALITA

Robi Domingo, Bianca Gonzalez hosts ng PBB collab; sinong Kapuso stars ang makakasama?

Robi Domingo, Bianca Gonzalez hosts ng PBB collab; sinong Kapuso stars ang makakasama?
Photo Courtesy: GMA Network (FB)

Sino nga kaya ang Kapusong makakasama nina Kapamilya hosts Robi Domingo at Bianca Gonzalez sa special collaboration ng ABS-CBN at GMA Network para sa 20th anniversary ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab?

Sa ginanap na contract signing nitong Martes, Enero 28, kinumpirma ni ABS-CBN Chief Operating Officer (COO) for Broadcast Cory Vidanes na sina Robi at Bianca ang dalawa sa magsisilbing host sa pinakabagong edisyon ng PBB.

“With having said that, maraming-maraming salamat po. I think, confirmed na tayo,” saad ni Robi.

Biro pa niya, “Where do we sign as well?”

Eleksyon

Maja Salvador kay Tito Sotto: 'Senador na maaasahan'

“But, of course, you’ll be joined by other hosts which we will announce,” pasubali ni Vidanes.

“Salamat,” sabi naman ni Bianca, “confirm na netizens sa mga haka-haka.” 

Matatandaang opisyal nang inanunsiyo sa 24 Oras ang kolaborasyong ito ng dalawang dambuhalang network sa bansa noong Lunes, Enero 27.

MAKI-BALITA: Bagong edisyon ng PBB, collaboration ng Kapuso at Kapamilya stars!