January 30, 2025

Home FEATURES Human-Interest

'Plus-sized' girlie, sinita mga titang ipinakilala siyang 'mataba' at 'malaki' sa mga kaanak

'Plus-sized' girlie, sinita mga titang ipinakilala siyang 'mataba' at 'malaki' sa mga kaanak

Tila marami ang naka-relate sa isang Facebook post na mababasa sa Facebook page na "Truth Slaps" kung saan nagkuwento ang isang "plus-sized" girlie sa ginawa niyang pagsita sa dalawang titang ipinakilala siya sa kanilang mga kaanak, na dinugtungan pa ng paglalarawan sa kaniyang pisikal na anyo.

May caption itong "Ekis talaga sa mga ganitong relatives."

Batay sa salaysay ng anonymous sender, sanay na raw siyang matawag ng kung ano-anong taguri na may kinalaman sa kaniyang pangangatawan, subalit hindi raw niya pinalagpas ang nangyari sa pagbisita nila sa pinsan ng kaniyang ina.

Nang magkaroon na raw ng pagpapakilala ng mga anak o sa kaniyang mga pinsan, ang sabi raw ng kaniyang "Tita A" ay "'Ito pala anak ni (pangalan ng Mom niya) ang taba."

Human-Interest

Grade 7 student na nangutang ng ₱10 sa kaniyang guro, kinaantigan

Sa pagkakataong ito ay uminit daw ang ulo niya dahil hindi niya alam kung bakit kailangan pa itong sabihin. Puwede naman daw kasing sabihing "anak" lang siya at wala na ang salitang "ang taba."

Sumunod naman daw si "Tita B" na nagpakilala naman sa kalagitnaan ng kuwentuhan.

"'Yan anak ni (Mom ko), mas malaki pa sa Mama' sabay tawa lahat," sabi raw ng pangalawang tita.

Dito na tila nagsiklab ang anonymous sender at lakas-loob na siyang nagsalita.

"So I stood my ground kase ang pangit na marinig plus ang dami namin and first time ko makita yung mga relatives na yun. In a loud and sarcastic voice, sabi ko 'Pwede niyo naman sabihin na anak lang. Ba't kailangan pa dugtungan ng ganyan?.' Biglang tumahimik ang lahat kasi di ako sumasagot or sumisingit sa ganyan kasi usually wala ako pake pero this time talaga sobra na."

"After that, di naman ako nagalit and parang wala nangyari nung nasa sasakyan na kami ang bumiyahe pauwi. pero off my chest talaga na mapagsabihan sila para alam din nila yung mali na ginagawa nila."

Dugtong pa ni girlie, "They're the typical relatives na palaging may kadugtong everything may pinapakilala."

Umani naman ito ng samu't saring reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Nagsisimula talaga sa family minsan ang bullying eh tsk."

"Gosh, this is so true, especially in Filipino family gatherings. As in.. unfiltered lahat. Walang pake mga older generation sa 'feelings' natin, but if it's reversed, we're the 'disrespectful' ones. Like luh?"

"Plus size din ako, halos lahat na lang pag nakikita ako sinasabihan din akong mataba. Nakaka pikon naman talaga, pero need mag control ng galit. Kaya minsan dinadaan ko na lang sa biro. Like pag sinabi na Ey.. ANG TABA MO NA, YES! NAG PAPATABA AKO PARA MATUPI KITA SA WALO."

"This is why as much as possible, I avoid attending gatherings with relatives."

"kung ganyan ang pamilya, no wonder uso sa Pinas yung bullying. Kasi mismong family nagfofoster ng culture na pang canal."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 6.9k reactions, 1.7k shares, at 177 comments ang nabanggit na post.

Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.