January 30, 2025

Home BALITA National

Petisyong ipawalang-bisa 2025 nat’l budget, isinampa nina Rodriguez at Ungab sa SC

Petisyong ipawalang-bisa 2025 nat’l budget, isinampa nina Rodriguez at Ungab sa SC
Courtesy: Atty. Vic Rodriguez

Naghain sina Atty. Vic Rodriguez at Davao City Rep. Isidro Ungab ng petisyon sa Korte Suprema na naglalayong ipawalang-bisa ang ₱6.352-trillion General Appropriations Act (GAA) o 2025 national budget na tinawag nilang “ilegal, kriminal, at unconstitutional.”

Sa isang Facebook post nitong Martes, Enero 28, ibinahagi ni Rodriguez ang kopya ng inihain nilang petisyon sa SC, at maging ang umano’y mga blangko sa GAA.

“ : . . Inihain na kahapon ang petisyon sa Korte Suprema na humihiling na maisantabi at ipawalang bisa ang , na 2025 budget,” ani Rodriguez.

Inakusahan din ni Rodriquez ang mga senador at kongresistang hindi tumutol upang maipasa ang national budget na kasabwat umano sa tinawag niyang “biggest money heist.”

National

59% ng mga Pinoy, kuntento sa performance ng PBBM admin – SWS

“Masdan at malaya ninyong suriin ang mga larawan kung saan makikita ang napakaraming blanko na nagkakahalaga ng daang bilyong piso,” giit ni Rodriguez sa post.

“Bilyong piso rin ba ang halaga kung bakit ang mga mambabatas sa ating mga Pilipino at lahat ay naging , at ?” saad pa niya.v

Si Rodriguez ang dating executive secretary ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. 

Matatandaang noong Enero 18, 2025 nang sabihin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na Duterte na tila may nakikita raw siyang mali sa budget ng bansa ngayong taon.

“For sure sa exact standard ng ating batas, lalo na money appropriations must appear true and correct value what would be application for public money. Pagka gano’n there’s something terribly wrong,” saad ni Duterte.

“As a matter of fact, kung may mga blangko ‘yan lumusot, that is not a valid legislation. Kung sa batas na ‘yan, lumabas na ‘yan ng blangko-blangko, either it could be filled up before or after,” dagdag niya.

MAKI-BALITA: FPRRD sa 2025 national budget: 'There's something terribly wrong!'

Sinabi naman ni House Appropriations Committee acting chairperson Stella Quimbo na nagkaroon nga umano ng mga blangko sa bicameral conference committee report ng national budget, ngunit iginiit din niyang napunan ito bago pa pirmahan ang batas.