Isang magnitude 4.7 na lindol ang tumama sa probinsya ng Davao Oriental nitong Lunes ng madaling araw, Enero 27, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, yumanig ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:45 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 159 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental, na may lalim na 126 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.