January 27, 2025

Home BALITA National

Dahil sa Isra Wal Mi’raj: Enero 27, Muslim holiday — Malacañang

Dahil sa Isra Wal Mi’raj: Enero 27, Muslim holiday — Malacañang
MB file photo

Inanunsyo ng Malacañang na magiging holiday para sa mga Muslim ang Lunes, Enero 27, 2025 bilang paggunita sa Isra Wal Mi’raj.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Linggo, Enero 26, hindi national holiday ang Enero 27, ngunit holiday raw ito sa Muslim areas tulad ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

“Not a National Holiday, but a Muslim holiday only in BARMM and other Muslim areas defined in the Muslim Code,” ani Bersamin.

"Muslims in other areas where it is not observed as a holiday such as [the National Capital Region] are excused from reporting for work,” dagdag niya.

National

Impeachment vs VP Sara, wala nang oras para matuloy – majority solons

Nitong Linggo, Enero 26, ginugunita ang Isra Wal Mi’raj o ang pag-alala sa paglalakbay sa gabi at pag-akyat sa langit ni Propeta Muhammad.