Inamin ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes na kahit siya ang hinirang na top 1 sa "100 Most Beautiful Faces" ng TC Candler noong 2024, may mga pagkakataong nakararamdam pa rin siya ng insecurities.
Naganap ang pag-amin sa panayam sa kaniya ng showbiz news reporters matapos ang Star Magic Spotlight noong Martes, Enero 21.
Pero giit ni Blythe, normal lamang daw na makaramdam pa rin ng insecurities. Nasa perspektibo at mindset na lang daw ng isang tao kung paano ito iha-handle.
May mga araw daw na pakiramdam niya, hindi siya ganoon ka-pretty. Wala naman daw kasing perfect at maging siya, aminadong hindi rin perfect. May mga araw daw na nagbe-break out siya, sa katunayan, nang isinasagawa ang panayam ay sinabi pa ni Blythe na may "sister" daw siya sa pisngi, na tumutukoy sa isang tumubong pimple.
"Pero it's all about perspective eh, it's all about your mindset talaga na worth it ba na maging insecure ako over this thing, worth it ba na mag-depend ako sa mood ko na maging insecure ako o masisira na 'yong buong araw ko. Pero yes, normal lang na mainsecure. Normal na may good taste at bad taste ka," aniya.
"Full of gratitude" naman daw siya sa pagkilalang natanggap niya, dahil sa dami nga naman daw ng magagandang babae, sa kaniya pa napunta ang korona ng pinakamagandang babae noong 2024 kasama pa ang ilang Pinay celebrities gaya nina Liza Soberano (31st), Janine Gutierrez (28th), Belle Mariano (52nd), Ivana Alawi (69th), Filipina K-pop idol Gehlee ng UNIS (82nd) at BINI Aiah Arceta (88th).
"Siyempre I'm full of gratitude, I'm very honored na sa daming magagandang babae, napili akong maging top 1. 'Yon lang, I'm just... wala akong ibang masabi kundi thank you," paliwanag ni Blythe.
MAKI-BALITA: Andrea, grateful na maraming magagandang babae pero siya top 1