Sino kaya ang sikat na singer na tinutukoy ni showbiz insider Ogie Diaz na nawindang umano sa natuklasan nito sa sariling bank account?
Sa latest episode ng âShowbiz Updatesâ kamakailan, inispluk ni Ogie ang dahilan kung bakit naloka ang kilalang singer.
âNaloka siya dahil unti-unti e nawi-withdraw ang pera niya kasi nga mayroân siyang joint account. The family that prays together, stays together dapat,â saad ni Ogie.
Ayon sa showbiz insider, umabot daw ng halos âą100M ang nalagas sa singer dahil matagal na raw itong hindi nagtsetsek ng bank account.
âMatagal kasi nag-aabroad âyon, e. Abroad, abroad, tapos balik dito. Abroad ulit, balik. So sino ba ang ka-joint account? Pinakamalapit sa puso niya,â dugtong pa niya.
Bagamaât hindi direktang sinabi kung ano ang relasyon ng singer sa ka-joint account nito, tila ipinahiwatig naman ni Ogie na may espesyal na ugnayan ang dalawa.
âNakarating na lang sa singer daw âyong ka-joint account niya may ibang minamahal daw,â aniya.
Kaya kasalukuyan daw na devastated at depressed ang singer dahil sa nangyari lalo naât nag-iipon daw ito para sa future ng mga anak nito.