Nagbigay ng babala sa publiko si Kapuso comedy actress Rufa Mae Quinto kaugnay sa mga gumagamit ng pangalan niya para manggantso.
Sa isang Facebook post ni Rufa nitong Sabado, Enero 18, sinabi niyang hindi raw siya nangangailangan ng financial support kanino man.
“Wala po akong Kailangan financial support Kahit kanino. And I’m not asking money Hinde ko po cel no. Yan at Hinde ako yan,” saad ni Rufa.
Kaya pakiusap ng komedyante, “Pakikalat nyo nga po please itong gusto manghingi ng pera sa mga kakilala ko. Wag na kayo gumawa ng kwento at naireport ko na kayo sa lawyer ko.”
Matatandaang hinaharap ni Rufa ang kasong isinampa sa kaniya dahil sa umano’y paglabag sa Section 8 of the Securities Regulations Code.
Ngunit iginiit ng kampo ni Rufa na biktima lang din umano siya ng Dermacare kaya umuwi siya ng Pilipinas para boluntaryong sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI).
MAKI-BALITA: Rufa Mae sa kaso niya: 'Biktima rin ako... Go, go, go, basta hinaharap!'
MAKI-BALITA: Rufa Mae Quinto umuwi ng Pinas, sumuko sa NBI