January 18, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Fiancée ng ex-jowa ni Karla Estrada, may cryptic post tungkol sa kaniya?

Fiancée ng ex-jowa ni Karla Estrada, may cryptic post tungkol sa kaniya?
Photo courtesy: Screenshot from Maricel Soriano (YT)/Jellie Aw (IG)

Usap-usapan ng mga netizen ang Instagram story ni Jellie Aw, fiancée ng dating partner ni Karla Estrada na si Jam Ignacio, kung saan tinawag niya ang atensyon ang aktres at host.

Hindi nagbanggit ng mas detalyadong konteksto si Jellie, subalit batay sa kaniyang post, ay may ginawa umano ang ex-jowa ng kaniyang fiancé na nakaapekto sa kaniyang trabaho.

Mababasa, as is, "Karla estrada nanahimik ako! wag mo damay work ko [emoji] nanahimik ako mommy [emoji]," aniya. 

Photo courtesy: Jellie Aw (IG)

Matapos ng post na ito ay wala nang binanggit pa si Jellie patungkol kay Karla.  

Tsika at Intriga

Birthday wish ng dating business partner ni Ken Chan: 'Sana lumabas ka na!'

Nobyembre 11, 2024 nang ibahagi ni Jam sa social media ang mga larawan nila ni Jellie, ng birthday celebration nito at isinabay na rin niya ang wedding proposal. 

MAKI-BALITA: Ex-BF ni Karla Estrada, engaged na sa jowa?

Noong Agosto 2024, unang flinex ni Jam na may bago nang nagpapatibok sa kaniyang puso, matapos ang hiwalayan nila ng ina ni Daniel Padilla.

Pumutok lamang ang mga balita tungkol sa hiwalayan nina Karla at Jam noong 2023. Ang huling post pa ni Karla patungkol kay Jam ay noong Marso 23, 2023, at hanggang ngayon, wala pang pahayag si Karla patungkol sa nangyaring break-up at kung anuman ang puno't dulo nito. Wala pa ring pahayag ang dating "Face 2 Face" host sa naging pagbanggit ni Jellie sa kaniyang pangalan sa Instagram story nito.