January 22, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Ryan Bang, muntik ma-friendzone ng fiancee

Ryan Bang, muntik ma-friendzone ng fiancee
Photo Courtesy: Screenshots from Ryan Bang (YT)

Inamin ni Paula Huyong na hindi raw pumasok sa isip niya na bet siya ng fiance niya ngayong si “It’s Showtime” host Ryan Bang.

Sa latest episode ng vlog ni Ryan kamakailan, sinabi ni Paula ang dahilan kung bakit parang tito o tropa ang pakiramdam kapag kasama niya ang fiance noon.

“To be very, very honest. I didn’t think na he even likes me. Kasi parang ‘yong feeling with Ryan is very titohan, tropa. I’m just being honest,” natatawang kuwento ni Paula.

“Kasi naman, ‘pag kakausapin mo ako, ‘yong parents mo, alagaan mo. [...] Sabihin mo sa parents mo, manood ng ‘Showtime,’” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

May nabalitaan kay 'Cheater,' pasabog ni Ai Ai: 'Take note si mistress ay Pilipina!'

Dagdag pa ni Paula, “I really think na there would be something then. Ryan’s very nice and he’s very friendly to everyone. So, I wouldn’t really think also na, you know, he would even like me also. Kasi madami namang other girls diyan na pretty and saka nasa showbiz.”

Kaya naman nang minsan daw siyang sunduin ni Ryan sa kaniyang trabaho para kumain sa labas, sinabihan daw niyang isang mabuting kaibigan ang huli.

“Tapos sabi niya, ‘Ha? Anong pinagsasabi mong good friend? Di ako pupunta ng from EDSA tapos ‘Showtime’ ta’s pi-pick-upin pa kita rito sa traffic. Tapos magiging good friend?’” saad ni Paula.

Pero sa kasalukuyan, engaged na ang dalawa noon pang Hunyo 2024 at malapit nang ikasal. Kung kailan? Abang-abang na lang muna sa kanilang anunsiyo.

MAKI-BALITA: Ryan Bang, engaged na sa non-showbiz girlfriend