Isiniwalat ni Pinoy pride at “The Voice USA” champion Sofronio Vasquez ang paghanga ng coach niyang si Michael Bublé sa aktres na si Kristine Hermosa.
Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, pinatotohanan ni Sofronio na nagkaroon daw ng pag-uusap ang dalawa.
Ayon sa kaniya, “Nakuwento niya sa akin na nagkaroon sila ng conversation at talagang nagkaroon sila ng link with our diyosa, Kristine Hermosa.”
“And he’s so proud of it. Kumbaga na-admire niya how beautiful the soul, the heart,” wika niya,
Biro pa ni Sofronio, “Kaya siguro talagang napamahal siya sa Pinoy kasi hindi siya nagtagumpay.”
Matatandaang nauna nang ibinuking ni Sofronio si Michael sa isang panayam niya noong Disyembre 2024 tungkol sa diyosa umanong naka-date nito.
Samantala, bukod kay Kristine, malapit din ang loob ni Michael kay Martin Nievera dahil kaibigan niya ang huli.