Pinangalanan na ni Kapamilya actress Bianca De Vera ang namamagitan sa kanila ng dati niyang housemate sa Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition na si Dustin Yu.
Sa isang Instagram post kasi ni Bianca kamakailan, nagpaabot siya ng pagbati kay Dustin para sa 25th birthday nito.
“[A]nother year of you :) happiest birthday to my best friend forever,” saad ni Bianca sa caption.
Ito ay sa kabila ng pag-amin noon ni Dustin sa isang panayam noong Enero na nahulog umano ang loob niya kay Bianca.
“Na-inlove ka sa kaniya?” urirat ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila.
Sagot ni Dustin, “Oo naman, Miss Karen. Hindi ko naman ‘yon maitatanggi.”
Ngunit nilinaw din naman niya agad na wala umano silang relasyon. Hindi rin niya masabi kung nililigawan ba niya ang aktres.
“Ano kami ngayon, friends,” ani Dustin.
Minsan na ring binanggit ni Dustin sa isang panayam noong Agosto 2025 na si Bianca umano ang tumulong sa kaniya para mapagaan ang mabigat na journey sa PBB.
Maki-Balita: Dustin, nainlab kay Bianca; nagkakamabutihan na nga ba?