January 11, 2025

Home BALITA

Harangan man ng shear line: Kasal sa Sorsogon, tuloy pa rin kahit binaha

Harangan man ng shear line: Kasal sa Sorsogon, tuloy pa rin kahit binaha
Photo courtesy: Screenshots from Analie Rosales (FB)/via ABS-CBN News

Sabi nga, "O pag ibig pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang."

Hindi napigilan ng pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng shear line na nagresulta sa pagbaha ang isang kasalan sa Brgy. Cabiguan sa bayan ng Pilar, lalawigan ng Sorsogon, dahil itinuloy pa rin ito pati na ang reception.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, hindi inalintana ng mag-asawang Mark Anthony Romualdo at Jocelyn Mapusao ang kanilang pag-iisang dibdib noong Enero 9, 2025 sa kabila ng masungit na panahon.

Makikita sa video na kahit abot-binti ang antas ng baha ay tuloy na tuloy pa rin ang mga panauhin sa pagsasalo-salo ng mga handa, kahit na nakapormal na kasuotan sila. Ang ilang mga kasamang bata ay lumangoy pa sa binahang palayan habang isinasagawa ng mag-asawa ang wedding dance.

Internasyonal

China, nakipag-ugnayan na sa WHO kasunod ng pagtaas ng kaso ng respiratory disease